Home Celebrities Performance ni Frankie Pangilinan sa Wish Bus, umabot na ng mahigit 100,000 dislikes

Performance ni Frankie Pangilinan sa Wish Bus, umabot na ng mahigit 100,000 dislikes

0

Umabot na ng mahigit isang daang libong dislike ang performance ng anak ni Senador Frankie Pangilinan at Sharon Cuneta sa Wish 107.5 bus.

Nag viral sa social media ang isa sa mga lumang video ni Kakie Pangilinan kung saan ay kinanta niya ang kanyang debut single na “tyl”.

Ilang araw lang ang nakakaraan ay nakamit ni Kakie ang isa sa mga pinakamaraming dislike na performance sa Wish BUs.

Ngunit malayo ang agwat niya sa pinakamaraming dislike na video sa nasabing Youtube channel na “Bawal Lumabas” by Kim Chiu kung saan nakakuha ito ng 715,000.

Matatandaan na tila hindi kumbinsido si Frankie na natural ang nangyaring pagpapaulan ng dislike sa kanya at sinabi pa nito na mga ‘paid’ ‘trolls’ ang nasa likod nito.

“yea all for a vid a year old? crazy how the trolls are paid,” saad ni Kakie.

Simula noon ay hindi na muli nagbigay ng kanyang opinyon si Kakie sa kanyang wish performance.

Ngunit ilang netizens ang nagsabi na hindi binayaran ang mga taong nag dislike sa performance ni Kakie.

Ayon kay Sass Rogando Sasot ay dapat magpakita muna ng pruweba si Kakie na mayroong gumagastos para siya ay siraan.

“Kakie girl, if you think na may mag-aabalang gumastos para bayaran ang mga mag dislike ng video ng pagkanta mo, it’s also possible na merong mag-aabala para magbayad para i-like ang video mo. Pero both scenarios rest on EVIDENCE kung totoong may mag-aaksaya ng pera para mag-bayad para i-like o i-dislike ang video mo Kakie,” ani Sasot.

Samantala ay tinanggal naman ng isang Youtube channel na nag upload ng music video ni Kakie ang likes/dislikes bar upang proteksyonan ang nasabing singer.


Kilala si Frankie sa kanyang pagiging aktibo sa usaping politikal sa bansa.

Karamihan sa kanyang mga kritiko ay mga taga suporta ng administrasyon na hindi natutuwa sa kanyang mga komento.

Facebook Comments