Home Social Media Netizens, naantig sa magkapatid na nakitang magkayakap habang natutulog sa tabi ng kalye

Netizens, naantig sa magkapatid na nakitang magkayakap habang natutulog sa tabi ng kalye

0

Naantig ang mga netizens matapos makita ang isang nagtitinda ng sampaguita habang kasama ang kanyang batang kapatid.

Hindi alintana ng magkapatid ang sama ng panahon ng mga araw na ‘yon at patuloy parin silang nagtinda ng sampaguita sa kalsada, umaasa na makakabenta sila sa araw na ‘yon.

Sa ilang litrato na ipinakita ni netizen Nahara Pagayawan ay makikita ang magkapatid habang basang basa sa ulan.

Hindi maitatangi na pagod na ang batang nagtitinda ng sampaguita dahil sa buhat buhat niya rin ang kanyang kapatid.

Ayon sa netizen ay tila hindi na namalayan ng batang babae na nakatulog na siya sa tabi ng kalsada habang karga karga ang kapatid niya.

Umabot ng 24,000 reactions sa social media ang nasabing mga larawan kung saan nakakuha ito ng halong komento mula sa mga netizens.

May ilang netizens na natuwa dahil sa sipag ng nasabing bata, ngunit may ilan din na nagtataka kung bakit sila ang nagta-trabaho imbis na ang kanilang mga magulang.

Tinawag ng ilang netizens ang atensyon ng Department of Social Welfare and Development upang matulungan ang nasabing magkapatid.

Matapos mag viral ay natagpuan ni Nahara ang magkapatid na namamalagi sa tagiliran ng isang hotel malapit sa ospital ng Maynila.

Nakilala ang nagtitinda ng sampaguita na si Alexis Shane.

Ayon sa kanyang kwento ay hindi naman ginusto ng kanilang ina na magtinda sila sa lansangan, ngunit nagkaroon diumano sila ng problema matapos silang pagnakawan.

Maari lamang silang tawagan sa kanilang numero na 09614628382 sa mga gustong magbigay ng tulong sa magkapatid.

Facebook Comments