Home Celebrities Lindsay De Vera nagsalita na sa balita na siya daw ay naging karelasyon ni Dingdong Dantes: “I want to clarify my name”

Lindsay De Vera nagsalita na sa balita na siya daw ay naging karelasyon ni Dingdong Dantes: “I want to clarify my name”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang aktres na si Lindsay De Vera tungkol sa mga kumakalat na balita na nagdadalang tao siya at ang ama ay ang sikat na aktor na si Dingdong Dantes.

Sa panayam sa kanya ng kilalang showbiz writer na si Jobert Sucaldito ay itinanggi ng aktres na mayroon silang relasyon o nagkaroon sila ng anak ni Dingdong.

“Never akong binuntis ni Kuya Dingdong and never kami nagka-relationship. I respect Kuya Dingdong very much as a person, as a husband, and as an actor,” ani Lindsay.

Inamin ni Lindsay na lubos na nakaapekto sa kanya ang kumakalat na balita na umabot na rin pati sa Twitter.

Ayon sa kanya ay nahihiya siya sa pamilya ni Dingdong lalo na’t maraming tao ang nakakaalam na masaya silang nagsasama ng asawa ng aktor na si Marian Rivera.

“I don’t want na ma issue pa sila… they have a very beautiful family,” saad niya.

“I want to clarify my name as well as Kuya Dingdong’s name that we don’t have any sort of that kind of relationship. Wala po kaming ganu’ng relasyon. Never po ako naging girlfriend or anything ni Kuya Dingdong and I respect Kuya Dingdong as a person and as an actor and as a husband and siyempre, I also respect ‘yung wife…hindi po totoo ‘yun.. fake news.” dagdag niya pa.

Matatandaan na nag umpisa ang nasabing isyu matapos mag viral ang isang post sa Facebook kung saan makikita na magkatabi ang litrato ni Dingdong at Lindsay.

Ngunit mariing itinanggi ng pamilya at mga kaibigan ng aktres ang nasabing balita.

Nagpa-plano rin magsampa ng reklamo ang pamilya ni Lindsay laban sa nagpakalat ng nasabing balita.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Dingdong sa nasabing balita.

Facebook Comments