Home Celebrities Raymond Gutierrez at ilang artista, nag party sa isang resto sa BGC, mga opisyal ng Taguig dismayado

Raymond Gutierrez at ilang artista, nag party sa isang resto sa BGC, mga opisyal ng Taguig dismayado

0

Dismayado ang mga namamahala ng Taguig City matapos nilang mabalitaan ang isinagawang birthday party ng television host na si Raymond Gutierrez sa isang restaurant sa Bonifacio Global City.

Nag viral sa social media ang mga litrato na kuha sa ‘star-studded’ na birthday party ni Raymond kung saan ay imbitado ang ilang sikat na artista.

Base sa ilang balita ay sila KC Del Rosario, Sarah Lahbati, Yassi Pressman, Issa Pressman, Andrei Suleik at
Kobe Paras ang mga sikat na personalidad na pumunta sa nasabing birthday party.

Ayon sa mga netizens ay nilabag ni Raymond ang mga protocols na ipinapatupad ngayon ng gobyerno katulad na lamang ng pagbabawal sa mga mass gathering.

Nakalagay pa sa litrato na lahat daw ng dumalo sa nasabing event ay nakapasa sa PCR test at napatunayan na wala silang sakit.

Pero ayon sa alkalde ng Taguig City na si Lino Cayetano ay hindi sapat na dahilan ang kanilang depensa upang payagan sila na magdaos ng mass gathering.

Dahil dito ay ipinagutos ni Cayetano na ipasara pansamantala ang restaurant na La Picara.

Paalala naman ni Taguig Rep. Lani Cayetano ay dapat ay sila Raymond pa nga ang dapat maging magandang ehemplo sa publiko.

“To influencers, the present situation calls for you to set the right example and do the right thing for everyone’s safety. People look up to you and admire you. This responsibility should not be taken lightly. Now is the time to use your platform, do good, and perform your civic duty to society,” ani Rep. Cayetano.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Raymond at ang ibang guest sa nasabing pagtitipon.

 

Facebook Comments