Home Celebrities Erwin Tulfo dedma sa banat ni Billy Jack Sanchez: “Pabayaan niyo, baka may saltik sa ulo”

Erwin Tulfo dedma sa banat ni Billy Jack Sanchez: “Pabayaan niyo, baka may saltik sa ulo”

0

Hindi na pinansin masyado ng mamamahayag na si Erwin Tulfo ang mga banat sa kanya ng motorcycle rider at rapper na si Billy Jack Sanchez.

Sa kanyang programa sa Radyo Pilipinas ay sinabi ni Tulfo na nagsumbong sa kanya ang kanyang mga kakilala tungkol sa video ni Sanchez.

Ngunit ayon sa kanya ay hindi niya nalang ito pinansin dahil baka nagpapasikat lamang itong tao na ito.

“Gusto lang atang magpasikat at my expense,” saad ni Tulfo.

Binigyan niya rin ng payo ang kanyang mga tagapakinig at sinabi na dapat ay kung may umaaway sa kanila sa social media ay h’wag na lamang nila itong pansinin.

Ayon sa kanya ay baka nasisiraan na ng ulo si Sanchez kaya’t dapat hindi na ito patulan ng mga tao.

“Sinabi ko nga.. pabayaan niyo, baka may saltik sa ulo, sabi ko, pabayaan mo. Kasi hindi naman lahat ng bagay kailangan mong sagutin,” ani Tulfo.

“Hindi ka naman mapag-uusapan dito kung wala kang ginawang kalokohan,” dagdag niya pa.

Maalala na naging viral si Sanchez matapos itong makipagtalo sa enforcer at sisihin ang kanyang backride.

Isa si Sanchez sa mga ibinalita ni Tulfo ilang araw lamang ang nakakaraan at ipinakita pa ng mamamahayag ang lumang video ng rapper kung saan ay nahulihan ito ng pinagbabawal na damo sa Kalinga.

Hindi naman nagustuhan ni Sanchez ang ipinalabas ni Tulfo at hinamon nito ang mamamahayag na sabay silang magpa-test para mapatunayan na hindi siya gumagamit ng kahit anong ipinagbabawal.

Inalok niya rin si Tulfo na magpa IQ test silang dalawa para malaman kung sino ang mas matalino sa kanila.

“Matapang ka lang kasi may bodyguards ka, and you got this influence, nagkamali ka lang ng timeline, kung nagkasabay tayo ng timeline baka si Billy Jack Sanchez You Wanna Know Why ang sumbungan ng bayan,” saad ni Sanchez.

Facebook Comments