Home Celebrities Marian Rivera, binalikan ang nakaraan sa gitna ng kumalat na isyu tungkol sa asawang si Dingdong Dantes at isang aktres

Marian Rivera, binalikan ang nakaraan sa gitna ng kumalat na isyu tungkol sa asawang si Dingdong Dantes at isang aktres

0

Kumakalat ngayon sa social media ang ilang balita tungkol sa aktor na si Dingdong Dantes.

Ngunit tila hindi apektado ang asawa ni Dingdong na si Marian Rivera at nag post pa ito ng mga throwback pictures.

Ipinakita pa nila ang video ng kanilang kasal.

Ipinakita rin ni Marian kung gaano kasaya ang kanilang pamilya.

Nag trending sa social media si Dingdong dahil sa diumano’y ilang haka haka na nakabuntis siya ng ibang babae.

Kalaunan ay nalaman ng mga netizens na ang itinuturong babae sa mga blind item ay si Lindsay Rivera na gumanap bilang pamangkin ni Dingdong sa teleserye na Alyas Robinhood.

Nag umpisa ang paglink kay Dingdong kay Lindsay matapos mag post ang blogger na si Andrew Olivar ng litrato ng aktor kasama ang aktres.

Binura naman ni Andrew ang kanyang post kalaunan matapos itong mag trending sa social media.

Tila nagsabay ang isyu ni Dingdong at Robin Padilla na nalink naman kay OWWA Deputy Administrator Mocha Uson.

 

Kahit ang kilalang showbiz writer na si Lolit Solis ay hindi naniniwala na magagawa ni Dingdong na pagtaksilan si Marian.

“Kalokah na isinasabit ang name ni Dingdong Dantes lalo pa nga at kita mong enjoying siya sa married life nila ni Marian,” ani Lolit.

Samantala ay nakita ng isang netizens si Marian at Dingdong habang naglalakad sa Bonifacio Global City.

Makikita sa litrato na tila napaka sweet ng mag asawa at magka akbay pa.

Ilang netizen din ang nagsabi na ang litrato na ipinakita ni Samantha ang nagpapatunay na walang problemang kinakaharap ang mag asawa.

Hanggang ngayon ay wala pang direktang komento si Dingdong at Marian sa isyu.

Kahit si Lindsay ay hindi pa nagsasalita hanggang ngayon.

Facebook Comments