Home Celebrities Agot Isidro, hindi naitago ang pagkadismaya sa lumolobong utang ng bansa: “Nilimas tayo ng gobyernong ito”

Agot Isidro, hindi naitago ang pagkadismaya sa lumolobong utang ng bansa: “Nilimas tayo ng gobyernong ito”

0

Hindi naitago ng aktres na si Agot Isidro ang kanyang pagkadismaya sa tila paglobo ng utang ng bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Agot ang isang article tungkol sa utang na babayaran ng Pilipinas sa mga susunod na dekada.

Ayon sa nasabing balita ay umutang ng USD13.34 billion o P640.96 billion ang Pilipinas bilang panggastos nito sa mga pangangailangan ng bansa sa gitna ng kumakalat na sakit.

Hanggang 2049 kailangan bayaran ng Pilipinas ang mga nasabing utang.

Sinabi ni Isidro na kahit wala na ang kasalukuyang administrasyon ay patuloy parin sila na magbabayad sa inutang ng gobyerno.

“We will be paying for this… long after the Duterte admin. With nothing to show for,” ani Isidro.

“Saklap. Mahirap na nga, mas hihirap pa tayo. It’s done. Nilimas tayo ng gobyernong ito,” dagdag niya pa.

Ilan sa mga followers ni Agot ang nagpakita rin ng lungkot sa nasabing balita at sinabing wala silang magagawa kundi magbayad sa inutang ng gobyerno.

“Ang sakit bilang simpleng mamamayan na tapat na nagbabayad ng buwis na wala tayong choice kung saan napupunta ang buwis. Kung itrato pa tayo ng gobyernong ito eh parang tayo pa ang may utang sa kanila. Ang sakit,” ani netizen @jst4kx13.

“Grabeeee!!! Me kasalanan din ang milyong Pinoy na bumoto at nagluklok sa kanya dyan na siyang nag bukas ng kahon ni Pandora,” saad ni @divinaayukawa.

May ilan naman na nag alala na baka mapunta lamang sa korapsyon ang mga inutang na pera.

Isa sa mga kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyon si Agot.

Facebook Comments