Home Celebrities OPM artist na si Jim Paredes may mensahe sa oposisyon: “Magparami tayo!”

OPM artist na si Jim Paredes may mensahe sa oposisyon: “Magparami tayo!”

0

Tila desidido ang legendary OPM artist na si Jim Paredes na ikampanya ang oposisyon sa susunod na taon.

Isa si Paredes sa mga sikat na personalidad na nagpakita ng paghanga sa nangyayari ngayon sa Estados Unidos matapos manumpa bilang ika 46 na Pangulo ng Amerika si Joe Biden.

Kilala si Paredes na kritiko ni dating Pangulong Donald Trump.

“Sa wakas, patapos na ang ikot ng Trumpo
#ByeTrump #LightsOutTrump,” ani Paredes.

May isang follower naman siya na tinanong kung hindi rin ba kikilos ang mga tao sa Pilipinas upang palitan si Pangulong Duterte.

“Sir Jim wala na ba tlaga kikilos? Nasasalaula na ang Bansa.. Sad to say  Puro comment at post lang? Wala bang gagalaw?” tanong ni @mauiemasarap.

Sagot naman ni Paredes ay dapat ay ikampanya ng mga tao ng matindi ang oposisyon kahit pa magalaw ang langit at impiyerno.

Sinabi pa ni Paredes na talo daw sa media exposure ang oposisyon.

“Right now lets move heaven and hell to campaogn for the opposition. Talo tayo sa media exposure. Lets convert ppl sa cause . Magparami tayo,” saad niya.

Matatandaan na tila hindi naging maganda ang political career ng mga pambato ng oposisyon sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Noong 2019 ay hindi nagtagumpay ang mga pambato ng oposisyon na makakuha ni isang upuan sa senado.

Ngayong 2021 naman ay tila mababa ang paumpisang rating na nakuha ng inaasahang pambato ng oposisyon sa 2022 na si Bise Presidente Leni Robredo.

Ngunit masyado pang maaga para malaman kung dadami pa nga ba ang taga suporta ng oposisyon sa mga darating na buwan.

 

Facebook Comments