Home Celebrities Mocha, nagpakita at nagsalita sa unang pagkakataon matapos kumalat ang ‘tsismis’ tungkol sa kanila ni Robin Padilla: “Wala pong katotohanan yang tsismis na yan”

Mocha, nagpakita at nagsalita sa unang pagkakataon matapos kumalat ang ‘tsismis’ tungkol sa kanila ni Robin Padilla: “Wala pong katotohanan yang tsismis na yan”

0

Nagpakita sa unang pagkakataon si Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Mocha Uson matapos kumalat ang ‘tsismis’ tungkol sa kanila ng aktor na si Robin Padilla.

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Mocha ang ebidensiya na hindi siya nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kanyang pag ehersisyo sa kalagitnaan ng lunch break ng kanyang opisina.

Ayon sa kanya ay hindi totoo ang kumakalat na tsimis at hinding hindi niya magagawa kay Robin ang ibinibintang sa kanya ng mga tao.

Sinabi niya pa na “bitter” lang sa gobyerno ang mga nagpakalat ng nasabing tsimis.

Naniniwala rin siya na may kinalaman sa pagiging “kulelat” sa survey ng pambato ng oposisyon na si Bise Presidente Leni Robredo ang pagkakalat ng tao ng tsismis laban sa mga taga suporta ni Pangulong Duterte.

“Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel. Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno,” ani Mocha.

“Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila,” dagdag niya pa.

Matatandaan na nag trending si Mocha at Robin sa social media dahil diumano sa mga balita na nabuntis ng aktor ang nasabing opisyal ng gobyerno.

Ngunit kahit ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez ay hindi naniniwala sa mga kumakalat na balita.

Hinimok din ni Mariel na sana’y tapusin na ng tao ang pagpapakalat ng tsimis tungkol sa kaniyang asawa lalo na’t nagdadalamhati ito sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Royette.

 

Facebook Comments