Home Celebrities “Baseless” Mariel Rodriguez, hindi natuwa sa tsismis na nabuntis ni Robin Padilla si Mocha Uson

“Baseless” Mariel Rodriguez, hindi natuwa sa tsismis na nabuntis ni Robin Padilla si Mocha Uson

0

Hindi natuwa ang aktres na si Mariel Rodriguez sa mga kumakalat na balita na ang kanyang asawa na si Robin Padilla ay nabuntis si OWWA Deputy Administrator Mocha Uson.

Nag umpisa ang nasabing tsismis sa isang blind item na inilabas ng pep.ph tungkol sa isang kontrobersiyal na female personality na nabuntis ng isang aktor.

Kilalang malapit daw sa boss ng female personality ang aktor.

Sa mga unang oras ng pagkalat ng tsismis ay tila binabaliwala lang ni Mariel ang mga nagtatanong sa kanya.

Ngunit ng hindi na nakontrol ang pagkalat ng nasabing haka haka lalo na ng mag trending ito sa Twitter ay wala ng nagawa si Mariel kundi maglabas ng pahayag.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Mariel na hindi ito ang tamang oras para magkalat ng tsismis tungkol sa kanyang asawa na nagdadalamhati ngayon sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Royette.

“So many people are sending me messages… “checking” on me. People are tagging me bla bla bla… let me tell you this. ROBIN’S BROTHER PASSED AWAY. He is grieving,” ani Mariel.

“He doesn’t need your baseless gossip. Namatayan ng kapatid yung asawa ko. Please lang po. He doesn’t even know anything about all this rumor but i am putting a stop to this NOW,” dagdag niya pa.

“May oras para maging *ssh*l*s now is not that time. Please,”

Hindi pa naglalabas ng pahayag si Mocha tungkol sa mga kumakalat na tsimis tungkol sa kanila ni Robin.

Samantala ay trending parin sa Twitter si Robin at Mocha.

Ilang netizens ang tila natuwa pa sa balita ang ginawang katatawanan ang nangyari.

If true na buntis si mocha kay Robin, then a full blood DDS will be born soon. Hail the baby. Chor,” ani @unknown123o

May ilang kritiko naman katulad ni Francis Baraan IV na sinabing maaring nililihis lang ng nasabing isyu ang ilang kontrobersiya na kinakaharap ng gobyerno ngayon.

 

Facebook Comments