Home Celebrities Angel Locsin, ipinagtanggol si Vice Ganda sa mga mensahe ni Harry Roque sa komedyante

Angel Locsin, ipinagtanggol si Vice Ganda sa mga mensahe ni Harry Roque sa komedyante

0

Ipinagtanggol ng aktres na si Angel Locsin ang komedyante na si Vice Ganda sa mga pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa isang Instagram story, ipinahayag ni Angel ang kanyang saloobin sa bangayan sa pagitan nila Vice at Roque dahil sa usapin sa bkuna.

“Ayos yung baklang komedyante, noh? pinaglalaban ang tama at may malasakit sa tao.” ani Angel.

Maaring tugon ito ni Angel sa sinabi noon ni Sec. Harry na hindi dapat pagkatiwalaan ng publiko ang mga “komedyante” pagdating sa usapin ng kalusugan.

Matatandaan na binira ni Vice si Roque dahil sa pahayag ng kalihim sa mga taong nagrereklamo sa darating na mga bkuna sa bansa.

“Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bkuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!” ani Vice.

Sagot naman noon ni Roque ay kailangan sa mga eksperto makinig ang gobyerno at hindi sa mga katulad ni Vice.

“Kung hindi pagtitiwalaan ang mga expert, na tatlong batches pa ng experts ang magsasabing pwede nating gamitin ‘yan… sino ang ating pagkakatiwalaan?” saad ni Roque.

“Siguro po, hindi mga komedyante,” dagdag niya pa.

Ilang araw naman ang nakakaraan ay binanatan muli ni Vice ang kalihim sa kanilang palabas.

“Pero ako, di ako clown, I am a comedian, at may kilala akong clown. I am a comedian, you are the clown.” sabi ni Vice.

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Vice sa pagtatangol sa kanya ni Angel.

Facebook Comments