Home Politics Spox Harry Roque, tila nainis sa mga tanong ng isang mamamahayag sa kanya tungkol sa kasunduan ng UP at DND

Spox Harry Roque, tila nainis sa mga tanong ng isang mamamahayag sa kanya tungkol sa kasunduan ng UP at DND

0

Tila nainis si Presidential Spokesperson Harry Roque sa panayam sa kanya ng mamamahayag ng CNN na si Pinky Webb sa gitna ng kanilang pag uusap tungkol sa ibinasurang 1989 UP-DND accord.

Ang nasabing kasunduan sa pagitan ng gobyerno at Unibersidad ng Pilipinas ay nagbabawal sa mga miyembro ng kasundaluhan at kapulisan na makapasok sa mga campuses ng UP.

Sa nasabing pahayag ay tinanong ni Webb si Roque kung ano ang masasabi sa tweet ng isa sa mga propesor na si Danilo Arao kung saan ay hinihikayat nito ang ilang opisyal ng gobyerno na galing sa UP na kondenahin ang desisyon ng DND.

Matatandaan na namalagi ng 25 na taon si Roque sa UP bilang isang estudyante at propesor.

“This disregards everything that UP stands for. Should they remain silent, a six-word question: Where is your honor and excellence?” ani Arao.

Tila hindi na napigilan ni Roque ang kanyang emosyon at tinanong si Webb kung kailangan niya ba talagang sundin ang sinabi ni Arao.

“You were wrong. You were implying as if I had to follow what Danny Arao says. What’s the basis for that?” tanong ni Roque.

“You said I had to follow him and I did not do as he did then I have no honor or excellence. Is that a fair question?” dagdag niya pa.

Nilinaw naman ni Webb na wala siyang ibang nais kundi ang tanungin lamang si Roque tungkol sa tweet ni Arao.

“Secretary Roque, just to be very clear about this, it was a tweet that I read and I asked for your reaction if you would denounce it,” saad ni Webb.

Naging viral ang nasabing interview sa social media lalo na sa Twitter kung saan ay pinuri ng ilang netizens si Webb.

Ngunit sa huli ay sinabi ni Roque na naniniwala siya na magagawa parin ng UP ang paglalahad ng kanilang paniniwala.

Inalok niya rin ang kanyang opisina upang mamagitan sa UP at DND para mapag usapan ang kanilang mga problema.

 

Facebook Comments