Home Celebrities Sikat na motorcycle rider na si Billy Sanchez, sinubok na noong pumasok sa Pinoy Big Brother: “I want to inspire everyone”

Sikat na motorcycle rider na si Billy Sanchez, sinubok na noong pumasok sa Pinoy Big Brother: “I want to inspire everyone”

0

Binalak pala noon ng sikat na sikat ngayon na motorcycle rider at rapper na si Billy Jack Sanchez ang pumasok sa bahay ni kuya.

Sa isang video na kanyang ipinakita noong 2020 ay makikita si Billy Jack habang ipinapakilala ang kanyang sarili bilang part ng online audition para sa Pinoy Big Brother.

“My name is Billy Sanchez, 26 years old, from Angeles City, Pampanga. The reason I’m doing this is because I’m hoping to be part of the big competition Pinoy Big Brother,” ani Billy Jack.

“So gusto ko pong maging house mate ni kuya at nangangarap din po akong maging part ‘non,” dagdag niya pa.

Pinagmalaki niya pa ang mga isyu na kanyang kinaharap noon matapos niyang hamunin ang isang aktor sa isang MMA match.

Habang nakangiti ay binanggit niya rin ang pagkahuli sa kanya ng mga miyembro ng PNP sa Kalinga kung saan ay milyong halaga ng pinagbabawal na damo ang nakuha sa kanya.

“Sa mga gustong lalo pang makakilala sakin, I’m praying for your support na para makapasok po ako sa Pinoy Big Brother,” saad niya.

“I want to inspire everyone, not only the people of the Philippines but all over the world that if you believe in God, believe in yourself, believe in your capabilities, nothing can break you up, come back is real guys,” dagdag niya pa.

Matatandaan na kahapon lamang ay sumikat muli si Billy Jack matapos itong makipagtalo sa isang enforcer at bigla pa niyang ibinenta ang kanyang kasama at sinabi na ang backride niya ang lumabag sa batas at hindi siya.

“Yung backride ko ang may violation,” diin niya.

Facebook Comments