Home Celebrities Katauhan ng lalake na pinagkaluno ang kanyang backride sa mga humuli sa kanila, nalaman na

Katauhan ng lalake na pinagkaluno ang kanyang backride sa mga humuli sa kanila, nalaman na

0

Viral sa social media ang isang lalake na tila nakikipagtalo sa mga enforcer na sumita sa kanila.

Sa video na ipinost ni Mr. Wilfredo Tiglao Cristobal ay makikita ang lalake na tila pa-english english pa habang pinipilit na wala siyang ginawang labag sa batas.

Kita namang inaawat siya ng kanyang kasamang babae na maaring nobya niya.

“Power authority masyado kayo, pwede naman makiusap, nakikiusap ako, nakiusap ako ang tigas niyo,” ani ng lalake.

Nagulat naman ang ilang netizens ng bigla niyang ipagkaluno ang kanyang backride na walang soot na helmet ng mangyari ang panghuhuli.

“Yung backride ko ang may violation,” sabi niya pa.

Umabot ng libo libong shares ang nasabing video.

Ngunit paliwanag ng enforcer ay siya parin ang nagmamaneho ng motorsiklo kaya’t damay siya.

Nalaman naman ng mga netizens ang pagkatao ng nasabing lalake na nag viral na pala noon matapos mahuli ng mga otoridad sa Kalinga.

Ayon sa ilang report ay si Billy Jack Sanchez ang nasabing lalake na isang rapper.

Sumikat narin sa internet si Billy Jack noong 2018 dahil sa kakaibang paliwanag niya sa mga otoridad na nakahuli sa kanya noon.

Naging laman din ito ng balita matapos nitong hamunin ang aktor na si Kiko Matos sa isang MMA match na nangyari naman noong 2019.

Bigo namang magwagi si Billy Jack kay matapos siyang mapatumba nito.

Hindi naman malaman kung paano nakalaya ang nasabing rapper.

Kinukuha pa namin ang panig ni Billy Jack sa kanyang pagsikat muli sa social media ngunit hindi parin siya tumutugon sa aming mga mensahe.

Facebook Comments