Home Politics Senador Dela Rosa, Lacson pabor sa pagpayag ng gobyerno na papasukin ang mga sundalo at pulis sa loob ng mga UP Campuses

Senador Dela Rosa, Lacson pabor sa pagpayag ng gobyerno na papasukin ang mga sundalo at pulis sa loob ng mga UP Campuses

0

Pabor sila Senador Ronald Dela Rosa at Ping Lacson sa desisyon ng gobyerno na tapusin na ang 1989 accord ng Department of National Defense (DND) at University of the Philippines (UP).

Matatandaan na inanusyo ng gobyerno at ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tatapusin na nila ang Sotto-Enrile accord dahil sa diumano’y lantarang recruitment ng CPP-NPA sa loob ng mga campus ng UP.

Ayon kay Dela Rosa ay matagal na dapat tinapos ng gobyerno ang nasabing kasunduan.

“It is long overdue. The government was fooled by the CPP/NPA/NDF the last 31 years thru that agreement,” ani Dela Rosa.

Samantala ay si Lacson ay tinawag na “hotbed of recruitment” ang mga campus ng UP.

“There’s sense in the… move taken by the President and Sec. Lorenzana because during our red-tagging hearings in the Senate, it was established that —not only UP in particular— other universities, talagang ‘yung recruitment nanggagaling dun sa mga estudyante,” saad ni Lacson.

Ayon sa kanya may ilang estudyante na pinili na sumanib sa NPA dahil sa nasobrahan ang pagka radicalize nila.

Malaya parin naman daw sumali sa mga protesta ang mga estudyante.

“To join the militant organizations, that’s fine because you can protest all you want. But when you bear arms against the government and you’re very young, you’re vulnerable and you’re easily radicalized and the hotbed of recruitment would be UP, PUP and other universities then I think the security sector has studied all the factors involved before they acted on the matter,” ani Lacson.

Parehong nanggaling sa PNP si Dela Rosa at Lacson na pawang mga kalaban ng NPA.

 

Facebook Comments