Home Celebrities “Pasikat?” Mga kaibigan ni Christine Dacera, binatikos matapos magsayaw sa isang app

“Pasikat?” Mga kaibigan ni Christine Dacera, binatikos matapos magsayaw sa isang app

0

Binatikos ng ilang netizens ang mga kaibigan ni Christine Dacera matapos itong mag post ng kanilang sayaw sa social media platform na Tiktok.

Matatandaan na naging popular ang ilan sa mga kaibigan ni Christine na ngayo’y kinokonsidera din na mga suspek sa nangyari sa flight attendant.

Ngunit tila ngayon ay hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ginawa na tila pagpapasikat ni Valentine Rosales, Rommel Galido, Clark Rapinan at Gigo De Guzman.

Sa video ay makikita ang pagsasayaw ng apat gamit pa ang #Dacera na hashtag.

Isa si Rod Singh sa mga bumatikos kila Valentine na kilalang aktibo sa pagsasalita sa social media simula ng sila’y akusahan ng mga otoridad na nasa likod ng nangyari kay Christine.

“Sobrang kachipan. Nakuha niyo na ngang mag-tiktok at alugin yang mga itlog niyo, hinashtag niyo pa yung apelido ng “friend” niyong nmtay sa video,” ani Rod.

“Stop milking the publicity. You are not in a reality series. Your lives are literally at stake. At yung nanay hindi pa tanggap yung nangyari sa anak niya tapos ganiyan? Ano kayo, nangaasar?” dagdag niya pa.

“Bahala kayo diyan. Hindi kayo tinindigan ng community para mag astang artista na bida sa isang series. Mas marunong pa kaming makiramdam sa pagkmtay ng friend niyo. Respeto sana. Ano yung friend niyo sa inyo? Challenge sa tiktok para i-hashtag?”

Napabalitang binura na ni Valentine ang nasabing Tiktok video.

May ilan namang nakakaramdam na tila magiging sikat si Valentine pagdating ng panahon.

Ayon sa netizen na si @genesacademy ay makikita na may charisma si Valentine para maging sikat na artista.

Hindi pa malaman kung ano ang opinyon ng mga Dacera sa nasabing sayaw nila Valentine.

Samantala ay patuloy parin ang fund raising nila Valentine gamit ang “Fund The Truth” dahil sa sila’y kapos sa kakayahang makakuha ng pribadong abogado.

Umabot na ng mahigit 24,000 ang followers ng nasabing page.

Facebook Comments