Home Celebrities Sen. Dela Rosa, naniniwala sa kakayahan ni Inday Sara na mamuno sa bansa

Sen. Dela Rosa, naniniwala sa kakayahan ni Inday Sara na mamuno sa bansa

0

Naniniwala si Senador Ronald Dela Rosa na kayang kayang mamuno ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa buong bansa.

Ayon sa kanya ay naniniwala naman siya kay Pangulong Duterte na maaring hindi nga kayanin ng isang babae ang mamuno sa bansa na maraming problemang kinakaharap.

Ngunit punto niya ay may ilan din namang babae katulad ni Inday Sara na kayang harapin ang mga problema ng bansa.

“There are few tough women who can take on this fight and one of them is Mayor Inday Sara,” ani Senador Dela Rosa.

Naiintindihan niya naman si Pangulong Duterte kung bakit ayaw niyang sumunod sa kanyang yapak si Inday Sara dahil siya ay isa ring ama na nag aalala sa kanyang anak.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang pahayag ni Pangulong Duterte habang ikinukwento niya ang pagpigil niya kay Inday Sara sa pagtakbo bilang presidente.

“My daughter, inuudyok naman nila, sabi ko ‘My daughter is not running.’ I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan [ko],” ani Duterte.

“Hindi ito pambabae. Alam mo the emotional setup of a woman and a man is totally different. Maging gago ka dito,” dagdag niya pa.

Isa si Dela Rosa sa mga kaalyado ni Inday Sara at inendorso rin ng alkalde ang dating PNP Chief noong nangangampanya ito bilang senador.

Facebook Comments