Home Celebrities Harry Roque pumalag kay Vice Ganda: “Sino po ang ating pagkakatiwalaan? Hindi naman pwedeng komedyante”

Harry Roque pumalag kay Vice Ganda: “Sino po ang ating pagkakatiwalaan? Hindi naman pwedeng komedyante”

0

Tila may pasaring ang komedyante na si Jose Marie Viceral o mas kilala sa kanyang palayaw na Vice Ganda kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Matatandaan na naging kontrobersiyal ang pahayag ni Roque para sa mga taong nagiging mapili sa mga darating na bkuna.

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi nagpaturok.” ani Roque.

Isa si Vice sa mga nag react sa sinabi ni Roque at sinabi na kahit sa mga brand ng sabon ay mapili ang Pilipino kaya’t dapat hindi na magtaka ang opisyal kung bakit nagiging pihikan din ang publiko pagdating sa ituturok sa kanilang katawan.

“Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bkuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!” ani Vice.

Nagbigay naman ng reaksyon si Spox Harry sa sinabi ni Vice.

Ayon sa kanya ay maling ikumpara ang sabong panlaba sa bkuna na ibibigay sa mga tao dahil magkaiba rin ang dami ng supply nito.

Tila may parinig din ang tagapagsalita kay Vice at sinabing hindi naman maaring mga “komedyante” ang pagkatiwalaan ng publiko tungkol sa mahahalagang desisyon.

“Kung hindi pagtitiwalaan ang mga expert, na tatlong batches pa ng experts ang magsasabing pwede nating gamitin ‘yan… sino ang ating pagkakatiwalaan?” ani Roque.

“Siguro po, hindi mga komedyante,” dagdag niya pa.

Matatandaan na nagkita na si Roque at Vice dalawang taon na ang nakararaan ng mag guest ang spokesperson sa talk show ng komedyante.

 

 

Facebook Comments