Home Celebrities Crisha Uy, nagsalita na sa balikan ng kanyang ex na si Joem Bascon ay Meryll Soriano: “Sampal sa mukha na tama pala ‘yung hinala ko”

Crisha Uy, nagsalita na sa balikan ng kanyang ex na si Joem Bascon ay Meryll Soriano: “Sampal sa mukha na tama pala ‘yung hinala ko”

0

Nagsalita na sa wakas ang vlogger na si Crisha Uy matapos magkabalikan ang kanyang ex-boyfriend ng walong taon na si Joem Bascon at aktres na si Meryll Soriano.

Matatandaan na dati na ring magkasintahan si Joem at Meryll ngunit naghiwalay ito.

Ngunit nitong Enero ay inihayag ni Meryll na siya ay nagkaroon na ng bagong baby at ang ama ay si Joem.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi)

Nanahimik naman ng ilang linggo si Crisha tungkol sa isyu, ngunit ngayon Enero 17 ay nagsalita na ang vlogger tungkol sa naramdaman niya matapos niyang malaman na may anak na ang kanyang ex.

“I remember that photo ba that was released that day. It was uploaded before my birthday, and then nag-flood ng tags, mentions and comments. Then I thought it was an early birthday greeting. Yun pala pasabog diay. Di ko alam kung ba’t niyo ako tinag at minention. Gusto niyo yata ako saktan,” ani Crisha.

“Joke! Thank you sa concern niyo… But ‘wag na kayo mag-alala, kasi yung totoo, alam ko na talaga. Alam ko na yun.” dagdag niya pa.

Kahit na tanggap niya na ang nangyari ay hindi parin niya maiwasan na maapektuhan ng mga balita tungkol sa balikang Joem at Meryll.

“When I was reading the article, yung naramdaman ko that day was nagalit ako. Nagalit ako kasi bumalik yung feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala yung feeling na nakita mo versus kinuwento or tsinika lang sa iyo,” saad niya.

Hindi naman daw ibig sabihin na naapektuhan siya ay may nararamdaman parin siya kay Joem, ngunit dito ay narealize niya na totoo pala talaga na “niloko” lang siya ng kanyang ex-boyfriend.

Ayon sa kanya ay “sampal sa mukha” ang naramdaman niya matapos niyang malaman na totoo pala ang kanyang hinala noon kay Joem.

“Kasi naka-move on na ako eh. Ano lang, finally na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon.” sabi niya.

 “That I was lied to na, kasi I gave them the benefit of doubt eh before. Pero yun nga sampal pala sa mukha nung nakita ko yun. Sampal sa mukha na tama pala yung hinala ko noon na finally, girl, confirmed ganun. Ganun yung feeling.” dagdag niya pa.

Sinabi niya naman na 2021 na kaya’t kailangan na rin niyang mag move on sa mga nangyari.

Noong Enero ng nakaraang taon inanunsyo ni Crisha ang pakikipaghiwalay niya kay Joem.

Kitang kita noon Crisha ang lungkot sa naudlot nilang relasyon ni Joem.

“It doesn’t make you weak. …Tao lang tayo, okay lang umiyak. Crying is part of the healing process, it’s okay to make yourself fragile para mabuo ulit iyong sarili mo.” ani Crisha.

“Hindi ko ni-regret na naging kami, iyong eight years namin kasi mahal ko naman siya. …Mahirap sabihin pero wala na tayong magagawa if he fell out of love,” dagdag niya pa.

Facebook Comments