Home Celebrities Jomari Yllana, sinabing umaarte lang ang kanyang ex-partner na humihingi ng sustento sa kanya matapos maputulan ng kuryente

Jomari Yllana, sinabing umaarte lang ang kanyang ex-partner na humihingi ng sustento sa kanya matapos maputulan ng kuryente

0

Hindi na naitago ng ex-partner ni konsehal ng 1st district ng Paranaque na si Jomari Yllana ang kanyang pagkadismaya sa tila pagsasawalang bahala ng celebrity-turned-politician sa kanyang naiwang pamilya.

Maalala na noong January 15 ay hindi na naitago ni Joy Reyes ang diumano’y ginagawang pagpapabaya sa kanila ng dati nilang haligi ng tahanan na si Jomari.

Ayon sa kanyang kwento ay naputulan na sila ng kuryente matapos umabot ng 100,000 ang kanilang electric bill.

Nagtitiis nalang diumano sa init si Joy at ang mga anak ni Jomari sa kanya.

Hindi narin daw ma-contact ni Joy ang kagalang galang na konsehal dahil sa naka block na siya sa mga social media accounts nito.

“Since he blocked all means of communication, to those who know this guy, Kindly inform this “Honorable” COUNCILOR of District 1 PARANAQUE JOMARI YLLANA that his children are sweating in the dark,”saad ni Joy.

Ngunit ayon kay Jomari ay umaarte lang daw si Joy dahil nakakagamit pa naman daw ito ng social media.

“Sana ginagamit din ang isip paminsan minsan. Nakakapag post sa FB, nakapag picture sa cellphone. May charge ang cellphone at may internet. Oh diba naputulan ng kuryente pero nakakapag post at meron internet. Sana ol,” ani Jomari.

Pumalag naman si Joy at ipinakita ang video sa loob ng kanilang bahay upang mapatunayan na wala talaga silang kuryente.

Maririnig sa video na umiiyak ang isa sa mga anak nila.

Paliwanag ni Joy ay internet data na lamang ang kanilang ginagamit at hindi naman kailangan na may kuryente sa kanilang bahay para mapagana niya ang kanyang cellphone.

Sa isang post naman ay nagpasalamat si Joy sa mga sumuporta sa kanya.

Sinabi niya na noon ay pinili niya na tumahimik nalang sa ginagawa sa kanila ni Jomari ngunit ngayon ay ipaglalaban niya na ang kanilang karapatan.

“I think it is really best to stand for what is right,” saad ni Joy.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kagalang galang na konsehal sa mga paratang sa kanya ni Joy.

 

Facebook Comments