Home Politics Inday Sara Duterte, ikinuwento ang pagsapak niya sa isang sheriff noon sa Davao

Inday Sara Duterte, ikinuwento ang pagsapak niya sa isang sheriff noon sa Davao

0

Ibinahagi ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang “defining moment” niya bilang isang politiko.

Sa panayam ng blogger at professor at teacher na si Sass Rogando Sasot, ibinahagi ni Inday Sara ang kanyang kakaibang kasagutan ng tanungin siya tungkol sa kung ano ang karanasan niya sa politika na nagpabago sa kanya.

Ayon sa kanya hindi niya malilimutan ang ginawa niya sa isang sheriff noong Hulyo 2011 na nakunan pa sa camera noon.

“Ang defining moment ko is not a positive experience for me, because everyday I still cringe when I remember that events, and then hanggang nandiyan parin yung embarassment nararamdaman ko yung hiya na nangyari sa akin, sa sheriff at sa judge, at sa Davao City at that time,” saad ni Inday Sara.

Ipinaliwanag ni Inday na marami siyang natutunan sa nangyari katulad na lamang ng pagiging mahinahon kahit na ano pa man ang kanyang nararamdaman.

“Sa incident na ‘yon ang natalo is ako, ‘yung judge, ‘yung sheriff at ‘yung Davao City because it was played out publicly and parang feeling ko napahiya lahat so dapat doon ko narealize ko na in my work you should be always in control of your emotions,” ani Inday Sara.

Ikinagulat naman ni Sass ang rebelasyon ni Inday Sara dahil ayon sa kanya ay marami ang nagustuhan ang ginawa ng alkalde ng Davao City sa sheriff.

Ikinuwento niya rin na nagdilim na lamang noon ang paningin niya at nagulat na lamang ng makita ang kalagayan ng sheriff kaya’t inutusan niya kagad ang kanyang mga tauhan na dalhin ito sa ospital.

“Kasama ko ang mama ko, and then she was asking me ‘what happened to you?’ ang sabi ko ‘hindi ko rin alam mama what happened’,” kwento ni Inday.

Sinabi niya rin na nagpatong patong na ang kanyang problema dahil ilang araw lang bago ang nasabing insidente ay nagkaroon ng malalang pagbaha sa ilang lugar sa Davao.

“It was embarrassing and it should not happen again,” saad ng alkalde.

Matatandaan na nangyari ang komprontasyon sa pagitan ni Inday Sara at sheriff Abe Andres dahil sa gulong nangyayari noon sa pagitan ng demolition team at mga residente ng pinagtatalunang lupain sa Barangay Soliman, Davao City.

Hiniling noon ni Inday Sara na ipagpaliban muna ang demolition ngunit hindi ito pinagbigyan kaya’t ang sheriff ang napagbuntungan niya ng init ng ulo.

 

 

Facebook Comments