Home Celebrities Barbie Imperial binatikos matapos mag react sa ginawa ni Mayor Inday Sara sa isang sheriff

Barbie Imperial binatikos matapos mag react sa ginawa ni Mayor Inday Sara sa isang sheriff

0

Inulan ng batikos ang aktres na si Barbie Imperial sa social media matapos nitong mag react sa lumang balita tungkol kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Ipinakita ng kilalang kritiko ni Pangulong Duterte na si Francis Baraan IV ang lumang screenshot kung saan makikita si Inday Sara na ginagamit ang kanyang kamao sa isang court sherrif na nakaalitan niya noon.

Si Francis ay anak ng dating USEC ng Department of Justice na tumatanggap diumano ng suhol sa mga inmates.

Isa si Barbie sa mga retweet ng post ni Francis.

“Scary” ani Barbie.

Nagsilabasan naman ang mga tagapagtanggol ni Inday Sara matapos mag react si Barbie.

“FYI, Hindi yan magtatagal sa davao kung scary siya na gaya ng sinasabi mo. Magpasahod ka muna ng tama sa PA mo day para walang tulfo 2.0,” ani @lovesyou2020

Hindi naman napigilan ng ilang netizen na akusahan si Barbie na hindi diumano nagbabayad ng tama sa kanyang personal assistant.

Matatandaan na kinumpirma noon ng Raffy Tulfo in Action na si Barbie nga ang ipinatulfo ng isang dating P.A dahil sobra daw ang ibinibigay sa kanyang trabaho ng nasabing artista at hindi pa siya binibigyan ng tamang sweldo.

Samantala ay kahit ang blogger na si Sass Rogando Sasot ay hindi napigilan na ipagtanggol ang alkalde ng Davao mula sa negatibong reaksyon ng artista.

“Scary para kay Barbie Imperial ang pananapak ni Mayor Sara ng sheriff dahil hindi ito makapaghintay bago i-demolish ang mga bahay Ng mga squatters. This is the same Barbie Imperial na kailangan pang ipa-Tulfo para bayaran niya ang sweldo Ng kanyang PA. Guuuuuuurl!” ani Sass.

Hindi pa nagbibigay ng reaksyon si Barbie tungkol sa natanggap niyang mga pambabatikos.

Facebook Comments