Home Celebrities Bagong saksi diumano sa nangyari kay Christine Dacera, pumunta sa NBI upang sabihin ang katotohanan

Bagong saksi diumano sa nangyari kay Christine Dacera, pumunta sa NBI upang sabihin ang katotohanan

0

Isang saksi ang hawak ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na maari daw makatulong upang mabigyan ng linaw ang totoong nangyari sa flight attendant na si Christien Dacera.

Matatandaan na karamihan ng persons of interest na nakasama ni Dacera noong Enero 1 sa isang hotel sa Makati City ay mariing itinatanggi ang paratang laban sa kanila at pinagbintangan pa ang mga otoridad na gumagawa ng kwento.

Ngunit kakaiba ang nangyari sa isa sa mga nagpakilalang kasama ni Dacera dahil sa NBI ito humingi ng tulong.

Nakilala ang panibagong witness na si Jake Esteron na ayon sa kanyang Facebook profile ay dating aktor ng ABS-CBN at GMA.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ay isa si Esteron sa mga nakasama ni Dacera sa loob ng room 2207 kung saan nakitang ilang beses pumasok ang flight attendant.

Humingi daw ng tulong si Esteron na tubong Tacloban City dahil natatakot daw ito na pumunta sa Maynila mag isa.

“Yeah, personally nagpasundo ito sa kanila sa Tacloban. Ito ay lumalabas na panglabing-tatlo ito, sa Room 2207,

Sa hiwalay na pahayag naman ay sinabi ni Lavin na maganda na halos kumpleto na ang 13 na pesons of interest.

Litrato mula SMNI News

“Well at least it completes the picture ‘no, in so far as 2207 is concerned,” ani Lavin

“We have accounted for them. Lahat sila, nandiyan na,” dagdag niya pa.

Samantala ay dadaan naman sa Polygraph Test o Lie Detector test ang ilan sa mga nakasama ni Dacera sa 2207.

Ayon kay Lavin ay dadaan din sa parehong proseso si Esteron.

Facebook Comments