Home Celebrities Anak ni Kiko Pangilinan, may reaksyon sa mga lumalait sa kanyang boses: “Have u actually heard me sing?”

Anak ni Kiko Pangilinan, may reaksyon sa mga lumalait sa kanyang boses: “Have u actually heard me sing?”

0

Nagbigay ng reaksyon ang anak ni Senador Kiko Pangilinan sa mga nagpapadala sa kanya ng mensahe para sabihin na wala siyang mararating kung ipu-push niya ang kanyang singing career.

Sa kanyang tweet, binanatan ni Frankie Pangilinan ang mga nagsasabi na wala siyang talento sa pagkanta.

Ipinaliwanag niya na ang tingin niya na totoong dahilan kung bakit hindi maugong ang kanyang pangalan at ang kanyang mga kanta ay dahil sa hindi pa siya 100% na naka focus dito.

Matatandaan na nag aaral sa New York si Frankie ng matigil siya sa pag aaral dahil sa nangyayaring pagkalat ng sakit sa buong mundo ngayon.

“if I don’t have a ‘career’ or I’m ‘unsuccessful’ maybe that’s because I’m not even 100% focused on work yet,” ani Pangilinan.

Sa nasabing tweet ay itinanggi niya rin na ang dahilan ng kanyang pagiging aktibo sa mga usaping politikal sa social media ay dahil sa gusto niyang pumasok sa politika katulad ng kanyang ama.

“I’m not a politician and I never ever said I wanted to be one. in fact I keep reiterating the opposite every chance I get. And it’s ridiculous because people should be allowed to care about and love their country without being tagged as a political pawn ????” saad niya.

Binanatan niya rin ang mga kritiko ng kanyang boses at tinanong kung narinig na ba talaga nila ang kanyang boses.

“Have u actually heard me sing??? have u actually read my stuff??? no???? then kindly shut up before u ruin what i love most in the world ty” banat niya.

Matatandaan na kumalat sa social media nitong mga nakaraang araw ang mga performance ni Frankie.

Isa na rito ang kanyang version ng “Mr. DJ”, isa sa mga pinakasikat na kanta ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Kinanta ni Sharon ang Mr. DJ noong siya’y 12 anyos pa lamang, isang ebidensiya na talagang punong puno ng talento ang megastar.

Kumalat din ang kanyang Myx performance kung saan ay kinanta niya ang kanyang debut single na “tyl”.

Umabot ng libo libong reaksyon ang nasabing video ngunit karamihan nito ay “haha”.

Pero tanggol ng isang netizen mali lang siguro ang angulo sa camera ni Frankie sa kanyang performance.

Facebook Comments