Home Celebrities Sharon Dacera, kumbinsido na binaboy ang kanyang anak: “Pag nakita mo ‘yung katawan ni Christine”

Sharon Dacera, kumbinsido na binaboy ang kanyang anak: “Pag nakita mo ‘yung katawan ni Christine”

0

Kumbinsido parin si Mrs. Sharon Dacera na hindi binawian ng buhay dahil sa natural na dahilan ang kanyang anak na flight attendant na si Christine.

Sa panayam kay Sharon matapos ilibing ang kanyang anak noong Linggo ay naniniwala siya na may inilagay nga sa inumin ng kanyang anak.

Sinabi niya rin na nagsumbong na sa kanyang kaibigan si Christine ngunit hindi nila ito pinansin.

“Mayroon namang clinic siguro ‘yung hotel para magtawag siya doon sa information desk para magpatulong. Usually may gano’n diba? Bakit hindi niya ‘yun ginawa?” saad ni Sharon sa isang panayam ng ANC.

Matatandaan na ikinuwento ng isa sa mga kaibigan ni Christine na si Rommel Galido ang diumano’y pagsusumbong ng flight attendant sa kanya tungkol sa isa sa mga bisita.

“Tumabi siya sa ‘kin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something. Parang naiiba ‘yung pakiramdam ko.’ I think merong naglagay sa inumin niya, sabi niya sa ‘kin. Then sabi ko, ‘Who?’ And then sabi niya, ‘I think Mark,’” kwento ni Rommel tungkol kay Mark Anthony Rosales.

Hinimok naman ni Sharon si Rommel na magsabi na ng totoo.

“As of now, ang masasabi ko lang po, magsalita nang totoo si Rommel. ‘Yun ang tanging kahilingan ko sa kanya, kung friend at little sister niya si Christine kasi sabi ko sila ang kasama ni Christine the moment na nangyari din sa anak ko,” ani Sharon.

Ipinaliwanag din ng ina ng biktima na nakita niya mismo ang katawan ni Christine kaya’t naniniwala parin siya na may ginawang masama ang mga kasama ng kanyang anak.

“Para sa akin, hinalay po ang anak ko. ‘Pag nakita mo ‘yung katawan ni Christine, you will surely,” saad niya.

Samantala ay nakakuha naman ng panibagong ebidensiya ang NBI matapos ang ikalawang pagsusuri na ginawa sa katawan ng biktima.

Facebook Comments