Home Celebrities Episode ng ‘Maalaala Mo Kaya’ binatikos matapos gawing basahan ang prayer rug ng mga Muslim

Episode ng ‘Maalaala Mo Kaya’ binatikos matapos gawing basahan ang prayer rug ng mga Muslim

0

Inulan ng batikos ang isa sa mga episode ng drama anthology ng ABS-CBN na “Maalala mo Kaya” na ipinalabas noong Enero 9.

Ito’y matapos mapansin ng ilang netizen na tila ginawang basahan sa isang scene ang rug na ginagamit ng mga muslim kapag sila’y nagdarasal.

Tungkol ang nasabing episode tungkol sa buhay ng aktor na si JC Alcantara.

Isang Facebook post ang nag viral sa social media matapos tawagin nito ang atensyon ng ABS-CBN dahil sa diumano’y kawalang respeto na ipinakita nila sa mga Muslim.

“Ano na Abs-Cbn? Baka gusto nyo pang Shutdown ulit?
Respeto naman sa mga MUSLIM ginawa nyong Doormat yung SOJADA ng mga Muslim na ginagamit sa pag Prayer,” ani ng UGH Facebook page.

Umabot ng libo libong shares at komento mula sa mga netizens ang nasabing post.

May ilan ding netizens ang hindi nagustuhan ang kanilang nakita sa nasabing episode.

“Astagfirullah,respeto naman po sa aming mga muslim.nererespeto namin kayo tapos ganyan ang gagawin nyo!” ani Aminah Slng.

“Marami akung kilala at kaibigang muslim, at oo Di ako muslim pero sana Respeto naman banal sa kanila yan,” saad ni Eyyan Clyde Porras.

Umabot narin sa Twitter ang nasabing isyu.

“@ABSCBN should hold themselves accountable for using the Muslim prayer mat as floormat on last night’s MMK,” post ni @mfdiangelo.

Nagbigay naman ng maiksing tugon ang MMK tungkol sa pagkakamali na kanilang nagawa.

Tinawag nilang “honest mistake” ang nangyari sa nasabing scene.

“MMK expresses deep regrets for a scene in last Saturday’s episode,” saad ng MMK.

“We thank our viewers for the feedback and promise to do better.” dagdag pa nila.

 

Facebook Comments