Home Celebrities Ai-Ai delas Alas naki simpatya mga suspek sa nangyari kay Christine Dacera: “Paano na sila makakabalik sa buhay pagkatapos laitin”

Ai-Ai delas Alas naki simpatya mga suspek sa nangyari kay Christine Dacera: “Paano na sila makakabalik sa buhay pagkatapos laitin”

0

Nakisimpatya ang komedyante na si Ai-Ai delas Alas sa mga pinangalanang suspek sa likod ng nangyari sa flight attendant na si Christine Dacera.

Sa isang panayam ay sinabi ni Ai-Ai na dapat ay humingi ng tulong ang mga suspek sa mga grupo na handang protektahan ang karapatan ng mga LGBT.

Maari rin itong humingi ng tulong sa ilang grupo ng mga abogado kung hindi nila kayang makalikom ng pera para makakuha ng private lawyer.

“Humingi din sila ng tulong sa Public Attorneys Office (PAO), sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at sa iba pang lawyer na may gender advocacy,” ani Ai-Ai.

Nag alala rin ito sa mga suspek dahil tila mahihirapan na silang makabalik sa kanilang normal na buhay matapos silang madiin sa nangyari kay Christine.

“Hindi ako sumasawsaw sa issue, I was only asked. Pero bilang nanay, masakit talagang mawalan ng anak. Ilalaban ko rin anak ko sa sinapit niya. ‘Yung mga LGBT persons of interest, kawawa rin naman. Paano na sila makakabalik sa buhay pagkatapos laitin ang kanilang pagkatao, pati na pamilya nila?” saad niya.

Matatandaan na pinangalanang suspek ang mga nakasama ni Christine ilang oras bago ito bawian ng buhay kasama na rito ang kanyang mga kaibigan.

Ngunit marami ang tila kumampi sa mga suspek lalo na nung sabihin nila na sila’y miyembro ng LGBT at hindi nila magagawang gawan ng masama ang kanilang kaibigan.

Sa ngayon ay gumagawa ng paraan ang mga suspek upang makalikom ng pondo para sa kanilang kakaharapin na pagsubok lalo na’t desidido ang kampo ni Christine na magsampa ng reklamo.

Facebook Comments