Home Social Media Jonel Nuezca, naghain ng “not guilty plea” para sa ginawa niya sa isang mag ina sa Tarlac

Jonel Nuezca, naghain ng “not guilty plea” para sa ginawa niya sa isang mag ina sa Tarlac

0

Tila ilalaban ng pulis na si Jonel Nuezca ang kaso na inihain sa kanya matapos ang ginawa niya sa isang mag ina sa Paniqui, Tarlac noong disyembre.

Naghain ng “not guilty plea” ang kampo ni Nuezca sa arraignment at pre-trial na isinagawa noong Enero 7.

Ang ibig sabihin nito ay hindi naniniwala si Nuezca na may nilabag siyang batas at gusto niyang patunayan ang kanyang pagiging inosente sa korte.

Hahawakan ng Paniqui Regional Trial Court Branch 106 ang patong patong na kaso ni Nuezca.

Irerepresenta ang pulis ng Public Attorney’s Office (PAO) sa susunod nila na hearing sa Pebrero 4.

Hanggang ngayon ay hindi parin nagbibigay ng pahayag ang kampo ng mga biktima na sina Sonya Gregorio at Frank Gregorio.

Hindi na bago kay Nuezca ang pagharap sa mga kaso dahil noong siya’y nasa serbisyo pa ay may ilan na rin siyang akusasyon na hinarap.

Noong 2014 ay bumaba siya ng isang ranggo dahil diumano sa panghihingi nito ng pera sa isang tricycle driver sa Taguig.

Nakatanggap din ito ng isa pang reklamo dahil sa hindi nito pagdalo sa mga hearing.

Matatandaan na humingi ng tulong si Nuezca sa PNP na tulungan ang kanyang mag ina dahil sa wala na siyang maibibigay na suporta sa mga ito habang siya’y nasa loob ng piitan.

 

 

Facebook Comments