Home Politics Yorme Isko Moreno, binanatan ang mga pinupulitika daw ang pagdiriwang ng Traslacion

Yorme Isko Moreno, binanatan ang mga pinupulitika daw ang pagdiriwang ng Traslacion

0

Binanatan ni Yorme Isko Moreno ang mga diumano’y tao na pinupolitika ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila City.

Sa kanyang live video ay sinabi ni Moreno na may ilang indibidwal ang nagpapakalat ng “edited” na litrato ng Traslacion upang palabasin na hinahayaan lang ng lungsod ng Maynila na hindi sumunod sa health protocols ang mga nananampalataya.

Dahil dito ay ipinakita ni Isko ang CCTV footage na kuha sa may Plaza Miranda upang patunayan na hindi aabot ng daang libo ang nagsisiksikan sa Traslacion.

Makikita sa nasabing video na sumusunod ang mga deboto sa social distancing at nagsosoot din ito ng face shield at face mask.

“Gusto lang namin ipakita ang tunay na sitwasyon. Dahil nalagyan ng intriga ang tunay na sitwasyon sa Quiapo,” ani Moreno.

Binatikos naman ni Isko ang mga “tolongges” na politiko na ginagamit ang nasabing kapistahan para siraan ang kanyang pamamahala.

“Unang una wala na kayong nagawang matino sa pamahalaan, at sa taong bayan kumakapit na lamang ang mga tao sa panalangin,” saad ni Moreno.

May babala naman si Yorme kapag nalaman niya na kandidato sa pagkapresidente ang sinusuportahan ng mga naninira sa kanya.

“Wala na kayong nagawang matino sa pamahalaan at sa taumbayan. Politika pa more. Atat kayo ha. ‘Pag nalaman namin kung sino ang kandidato niyong presidente, peperwisyohin namin kayo sa Maynila,” ani Moreno.

Samantala ay pinuri naman ng alkalde ang mga tao na kusang sumunod sa health protocols.

“We owe it to the people, the people is the key. Malaki ang sakripisyo na ginawa ng mga taga-Maynila. Sa lahat ng Batang Maynila, I’m proud of you, nagkusa kayo at nakinig kayo sa pamahalaan,” sabi ni Moreno.

Ikinakabahala naman ng ilang eksperto ang maaring maging epekto ng Traslacion.

Ayon kay Dr. Tony Leachon ay posibleng tumaas ang kaso ng nagkakasakit sa bansa dahil sa nangyaring pagdiriwang.

“Our faith is not proven by physical presence only. God will not look over for our attendance on this once a year event but for scars of sacrifice & love of humanity,” saad ni Leachon.

 

Facebook Comments