Home Social Media Christine Dacera, makikitang tila inaawat ng kanyang mga kaibigan sa panibagong CCTV footage na inilabas

Christine Dacera, makikitang tila inaawat ng kanyang mga kaibigan sa panibagong CCTV footage na inilabas

0

May panibago nanamang bersyon ng CCTV footage kung saan makikita ang mga huling sandali ng flight attendant na si Christine Dacera na kumakalat ngayon sa social media.

Sa nasabing bersyon ay makikita si Dacera papalabas sa room 2209 kasama ang ilan niyang kaibigan.

Tila inaawat ng mga nasabing lalake si Dacera habang ang flight attendant ay parang gustong bumalik sa room 2209.

Makikita pa ngang niyayakap ng kanyang mga kaibigan si Dacera bago sila nag desisyon na bumalik na lamang sa room 2207.

Bago sila pumasok sa kwarto ay sinenyasan pa nga ng isa sa mga kaibigan ni Dacera ang mga nasa room 2209.

Hindi naman malaman kung talaga bang nakikipagtalo si Dacera o sadyang sinusundo lamang siya ng kanyang mga kaibigan.

Nangyari ang insidente bandang 3:20 ng Enero 1, ilang oras bago bawian ng buhay ang flight attendant.

Nakita naman ng mga netizens sa bagong CCTV footage ang pagmamalasakit ng mga kaibigan ni Christine sa kanya.

Ngunit may ilan din na hinihimok ang mga otoridad na ipagpatuloy ang imbestigasyon at pag aralan mabuti ang buong CCTV footage.

Facebook Comments