Home Social Media Lalake na kalambingan ni Christine Dacera sa CCTV footage, itinanggi ang paratang laban sa kanya

Lalake na kalambingan ni Christine Dacera sa CCTV footage, itinanggi ang paratang laban sa kanya

0

Binatikos ng isa sa mga suspek sa Christine Dacera case ang tila ginagawa daw ng media laban sa kanya.

Matatandaan na inilabas ng 24 Oras ang CCTV footage kung saan makikita si Dacera habang “kalambingan” ang isa sa kanyang mga “kaibigan”.

Inamin naman ni Valentine Rosales na isa sa mga suspek na siya nga ang lalake sa video ngunit sinabi niya na edited na ang ipinakita ng media sa publiko.

Ayon sa kanya ay pinutol ng nasabing programa ang CCTV footage at hindi ipinakita kung paano niya pinigilan si Dacera sa ginagawa niya sa kanya.

“Siya yung sumungab sakin if you look closely, hindi buo yung video tinulak ko siya after niyan and maaga pa yan,” ani Rosales.

Sinabi pa niya na nasa katinuan pa ng mga panahon na ‘yun si Dacera.

Sa isa pang Facebook post ay ipinakita ni Rosales ang buong CCTV footage para malaman ng publiko na pinipigilan niya si Dacera.

Ipinaliwanag niya pa na sinubukan niyang tawagin ang atensyon ng kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagpindot sa door bell para mapigilan na si Dacera sa kanyang ginagawa.

Matatandaan na si Rosales ang isa sa mga pinakaunang suspek na nagsalita tungkol sa nangyari kay Dacera.

Tinawag nitong “imbento” ang akusasyon laban sa kanya.

“The truth will prevail, social media fabricates the story too much I wish you were here tin! Sama sama padin tayo. Alam mo ikaw ang tranny ng barkada let’s prove to them what really happened,” ani Rosales.

 

 

Facebook Comments