Home Social Media Ina ni Christine Dacera, humingi ng tulong kay “Tatay Digong” at Inday Sara para mabigyang hustisya ang anak

Ina ni Christine Dacera, humingi ng tulong kay “Tatay Digong” at Inday Sara para mabigyang hustisya ang anak

0

Humingi ng tulong ang ina ng flight attendant na si Christine Dacera na tubong General Santos City sa gobyerno upang mabigyang hustisya ang kanyang anak.

Si Christine Dacera ang flight attendant na natagpuan na wala ng buhay sa loob ng kanyang tinuluyang hotel sa Makati City noong New Year’s Eve.

Sa isang press coference, hiniling ni Sharon Dacera, ina ni Christine kay Pangulong Rodrigo Duterte at alkalde ng Davao City na si Inday Sara Duterte na matulungan sila na maparusahan ang mga suspek sa likod ng nangyari sa kanyang anak.

“Tatay Digong, tulungan niyo po kami. Ordinaryo lang po akong tao. Ma’am [Davao Mayor] Sara Duterte, nanay ka rin. May anak ka rin na babae. That is why I want to come out in the open because I don’t want somebody to be a victim again,” ani Mrs. Dacera.

“Binaboy niyo ang anak ko. Ayokong may mangyari ulit diyan na isang babae na bababuyin niyo ulit. Kaya lalabanan ko ang laban nitong anak ko,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanya ay hindi siya susuko hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang flight attendant.

“Siyempre ilalaban ko ‘tong anak ko. Mga perpetrators dapat maparusahan, Tatay Digong. Tatay Digong tulungan mo kami. Dapat maparusahan sila,” saad niya.

Ilang beses ng itinanggi ng mga suspek ang paratang laban sa kanila at sinabing hindi nila magagawan ng masama si Christine.

Tinawag pa nga ng isa sa mga suspek na “imbento” ang akusasyon laban sa kanila kahit na mismong nanay na ni Christine ang nagsasabi na may maling nangyari sa kanyang anak.

Facebook Comments