Home Social Media Pinaniniwalaang Autopsy report ni Christine Dacera, inilabas ng isang netizen sa publiko

Pinaniniwalaang Autopsy report ni Christine Dacera, inilabas ng isang netizen sa publiko

0

Kumakalat ngayon sa social media ang diumano’y autopsy report ni Christine Dacera, ang flight attendant na nakitang wala ng buhay sa isang hotel matapos makilahok sa isang new year’s party.

Sa dokyumentong ipinakita ni internet celebrity na si Christian Albert Gaza ay makikita na wala namang nakalagay sa report na hinalay ang biktima.

Ayon sa report ay ang dahilan kung bakit pumanaw si Dacera ay dahil sa ‘ruptured aortic aneurysm’.

Pinirmahan ito ni Police Major Michael Nick Sarmiento, isang medico-legal officer.

Hindi pa malaman kung ito nga ba ang autopsy report na pinalagan ng pamilya ni Dacera.

Matatandaan na hindi kumbinsido ang kampo ng biktima na aneurysm lamang ang dahilan kung bakit ito binawian ng buhay.

“it is not complete as far as we’re concerned that is why we requested another autopsy,” saad ng tagapag salita ng pamilya Dacera.

Hanggang ngayon ay pinaghahanap parin ang mga suspek at hinimok din sila na sumuko na lamang.

Facebook Comments