Home Celebrities Claire de la Fuente na ina ng isa sa mga suspek sa Christine Dacera case, sinabing inosente ang kanyang anak

Claire de la Fuente na ina ng isa sa mga suspek sa Christine Dacera case, sinabing inosente ang kanyang anak

0

Nakiusap ang kilalang OPM singer na si Claire de la Fuente sa pamilya ng flight attendant na si Christine Dacera at sa mga netizens na sana’y wag munang husgahan ang kanyang anak na isa sa mga suspek sa nasabing kaso.

Ang anak ni de la Fuente na Gregorio Angelo de Guzman isang fitness instructor at chef,  ang isa sa mga pinangalanan ng otoridad na kasama ni Dacera sa party na huling dinaluhan nito.

Matapos ng nasabing party ay nakita na lamang wala ng buhay si Dacera at nakahiga sa bath tub ng hotel room nila.

“I feel sorry for her. Naintindihan ko totally ang nararamdaman niya, ‘yung rage, I understand that. Sobrang masakit para sa isang ina ang mawalan bigla ng anak. Di ko rin kakayanin,” ani de la Fuente

“Pero sana naman may balancing act, maging resonable tayo para ‘di tayo makasakit ng mga inosente at makapagbiktima ng ibang tao,” dagdag niya pa.

Hindi diumano matangap ni De la Fuente na pinangalanan ang kanyang anak na isa sa mga suspek.

Ayon sa kanya ay isa si de Guzman sa mga sinubukang sagipin ang buhay ni Dacera.

“This is so unfair but I know that God has a reason for all of this… The truth is on our side and I am confident na malulusutan ito ng anak ko,” saad niya.

“Siya ang nag-CPR sa kanya. Gusto niya talagang mabuhay ‘yung tao, kaya siya tumawag sa akin that time, “ she related. “Iyak siya nang iyak. He was so frustrated because he wanted to save her life but was not able to.” dagdag pa nito.

Sana diumano ay tigilan na ng mga netizen ang panghuhusga sa kanyang anak at sa iba pang suspek.

“Pairalin naman natin ang logic! At hindi totoo na nagtatago ang anak ko. From the start, andiyan lang siya following police advisory,” sabi ng singer.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay hinatulan ng pitong taong pagkakabilango si dela Fuente dahil sa diumano’y hindipagbabayad ng tamang buwis.

Pinagbayad naman siya ng multa na umaabot sa 100,000 pesos.

Facebook Comments