Home Social Media CCTV footage kung saan makikita ang flight attendant na si Christine Dacera, ipinasilip

CCTV footage kung saan makikita ang flight attendant na si Christine Dacera, ipinasilip

0

Kumakalat ngayon sa social media ang CCTV footage na kuha sa isang hotel sa makati kung saan huling namalagi ang flight attendant na si Christine Dacera kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sa nasabing footage ay makikita sa Dacera kasama ang ilang kalalakihan na ayon sa pulisya ay kanila ng na-identify.

Nakilala ang mga kasama ni Dacera na sina Gregorio Angelo de Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, Ed Madrid, certain Paul, John Pascual Dela Serna III, Rommel Daluro Galido at John Paul Reyes Halili.

Walo sa kanila ang hinahanap pa hanggang ngayon.

Hinimok naman ng kapulisan na sumuko na ang mga ito kung wala naman talaga silang tinatago.

Ang nasabing footage isa sa mga pinaka importanteng ebidensiya na hawak ng mga pulis para maresolba ang kaso ni Dacera.

Pinaalalahan naman ng mga otoridad ang mga netizens sa kumakalat na pekeng CCTV footage na kumakalat ngayon sa social media.

Ang babae diumano sa pekeng video ay hindi kapareho ng soot ni Dacera noong araw na iyon.

 

Facebook Comments