Home Social Media Netizens, nagdalamhati sa nangyari sa isang flight attendant na nakitang walang buhay sa loob ng isang hotel

Netizens, nagdalamhati sa nangyari sa isang flight attendant na nakitang walang buhay sa loob ng isang hotel

0

Ginulantang ang mga netizens ng balita tungkol sa isang flight attendant na nakitang walang buhay sa loob ng isang hotel sa Makati City.

Nakilala ang biktima na si Christine Angelica Dacera, 23 taong gulang at isang flight attendant ng malaking airline company.

Ayon sa ulat ng mga pulis ay nakita ng isa sa mga kaibigan ni Dacera na si Rommel Galida na wala na itong malay sa isang bathtub.

Nakalagay naman sa imbestigasyon na kasama ni Dacera na nag check-in sa hotel ang kanyang mga kaibigan na sila Galida, Gregorio De Guzman at John Dela Serna.

12:30 ng madaling araw noong Enero 1 nag check in ang magkakaibigan.

Alas 10 kinaumagahan naman nila nadiskubre na wala ng malay sa bath tub ang biktima.

Humingi naman daw kagad ng tulong ang magkakaibigan sa mga staff ng hotel upang isugod si Dacera sa ospital.

Sinubukan pa itong i-CPR ng manager ng hotel ngunit bigo sila na masagip ang biktima.

Dinala sa Makati Medical Center si Dacera ngunit hindi narin nila ito nasagip.

Noon ding araw na iyon pinaalam ng nasabing ospital sa pulisya ang nangyari kay Decera.

Ayon sa pulisya na tinignan ang mga CCTV footage ng hotel ay may mga dumating pa daw na hindi bababa sa sampung katao upang sumali sa “party” kaya’t nagpadagdag pa sila sa hotel ng isa pang kwarto.

“Bandang alas-sais ng umaga ay nakita sa CCTV ng hotel na binubuhat sila ng mga lalaki papasok sa Room 2209,” ani Makati City Police Station chief, P/Col. Harold Depositar.

Marami ang nakiramay sa pamilya ni Dacera na tubong General Santos.

May ilang netizens din ang inalala ang kagustuhan ni Dacera na maging inspirasyon sa mga nagbabalak maging flight attendant.

“Thank you for everything our dear FA Christine Dacera! Your legacy will remain alive and strong in the hearts of all our future flight attendants. Thank you for sharing us your pictures with messages of hope and inspiration,” saad ng Facebook page na Flyhigh.

“You shall forever be alive in the hearts of every flight attendant, in ours, and in the lives of our future flight attendants who were inspired by your sharing,” dagdag pa nila.

Facebook Comments