Home Social Media Flight attendant na nakita sa hotel na walang buhay, pinainom diumano ng ng gamot bago hinalay

Flight attendant na nakita sa hotel na walang buhay, pinainom diumano ng ng gamot bago hinalay

0

Malagim diumano ang dahilan ng pagpanaw ng flight attendant na si Christine Dacera, 23 na tubong General Santos City.

Nakita noong Enero 1 si Dacera sa isang bathtub ng hotel sa Makati na wala ng malay at bigo ang kanyang mga kaibigan na sagipin ito.

Dinala sa Makati Medical Center si Dacera ngunit hindi narin nila ito nasagip.

Ayon sa Makati Police PCol. Harold Dipositar ay nakitaan nila ng foul play ang nangyari kay Dacera.

Nadiskubre sa isinagawang autopsy sa katawan ni Dacera ang laceration sa kanyang genitals, at mga pasa sa braso at binti..

Lumalabas pa sa imbestigasyon na posibleng pinainom ng gamot si Dacera bago ito halayin ng mga suspek.

Kwento ng legal counsel ng pamilya Dacera na si Atty. Jose Ledda ay may sinabi si Dacera sa kaniyang kaibigan sa gitna ng nasabing party.

“May binitawang salita si Christine na tinanong itong kaibigan niya, sabi niya, ‘Parang may nilagay si name doon sa drinks ko kasi nag-iba ‘yung pakiramdam ko,’” saad ng abogado.

Sa CCTV footage na hawak ng mga otoridad ay tatlong lalake lamang ang orihinal na kasama ni Dacera noong 12:30 AM ng Enero 1.

Nakilala ito na sina Rommel Galida, Gregorio De Guzman at John Dela Serna

Ngunit may nakita silang mga dumating na siyam hanggang sampung katao na nakisali sa New Year’s party nila Dacera.

Hindi alam ni Dacera na may mga darating pa silang bisita sa nasabing party.

“Bandang alas-sais ng umaga ay nakita sa CCTV ng hotel na binubuhat sila ng mga lalaki papasok sa Room 2209,” ani Depositar.

Sinampahan na ng patong patong na kaso ang mga suspek na natukoy na ng mga otoridad.

Tatlo sa mga ito ang nasa kustodiya na ng mga pulis.

Nakidalamhati ang mga netizens sa nangyari kay Dacera na kilala pa naman sa pagbibigay inspirasyon sa mga gustong maging flight attendant katulad niya.

Humingi naman ng hustisya ang mga kaibigan ni Dacera.

 

Facebook Comments