Home Celebrities Aira Librada, sinabing gusto niyang magkabalikan ang kanyang ama na si Super Tekla at kanyang ina na si Airene

Aira Librada, sinabing gusto niyang magkabalikan ang kanyang ama na si Super Tekla at kanyang ina na si Airene

0

Kinilig ang maraming netizens sa tila pagpaparamdam ng unang kinakasama ni Super Tekla na si Airene sa komedyante.

Sa isang vlog kasama si Donita Nose ay nagsama sama sila Tekla, Airene at kanilang anak na si Aira.

Ikinuwento ni Donita sa mga netizen na nasaksihan niya noon kung paano asikasuhin noon ni Airene si Tekla noong sila’y nagsasama pa.

Pinag usapan din nila sa nasabing salo salo ang dahilan kung bakit nagkahiwalay si Tekla at Airene.

Matatandaan na si Tekla ang diumano’y naging dahilan kaya’t naghiwalay sila ni Airene.

Nag desisyon kasi si Airene na mag abroad upang tuparin ang ilan sa mga pangarap niya sa buhay.

Hiling naman ni Aira na sana’y magkabalikan na ang kanilang ama at ina.

Hindi pa man nagdedesisyon si Tekla at Airene kung magbabalikan ba sila ay hindi naman maitatangi na maayos ang kanilang relasyon ngayon.

Sa ngayon ay pinagtutulungan nila na maibigay ang pangangailangan ni Aira.

Pinakilig naman ni Airene ang mga netizen matapos aminin na minsan ay nami-miss niya ang komedyante, isang palatandaan na may nararamdaman pa siya kay Tekla.

Ilang buwan lang ang nakakaraan ay binalot ng kontrobersiya ang buhay ni Tekla matapos siyang ireklamo ng kanyang dating kinakasama na si Michelle Lhor at ilan sa mga kamag anak nito na kanyang pinapalamon.

Pero inulan ng suporta si Tekla mula sa mga netizens kaya’t sa huli ay lumabas na kontrabida ang dating kinakasama ng komedyante.

Nag desisyon nalang si Tekla at Michelle na maghiwalay at pagtulungan nalang suportahan ang kanilang baby.

Facebook Comments