Home Politics Inday Sara Duterte, gustong ipaalis ang kanyang pangalan sa mga survey: “2022 is farthest from the minds of many Filipinos”

Inday Sara Duterte, gustong ipaalis ang kanyang pangalan sa mga survey: “2022 is farthest from the minds of many Filipinos”

0

Tila hindi nagustuhan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang pagkakalagay sa kanya sa presidential survey na isinagawa ng Pulse Asia kung saan ay naging number one siya sa mga napupusuan bilang susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na malayo pa sa isipan ng publiko ang darating na eleksyon lalo na sa mga nangyayari ngayon sa bansa.

“The Presidential Elections of 2022 is farthest from the minds of many Filipinos,” ani Inday Sara.

“Nevertheless, I respectfully suggest to survey organizations to remove my name from the choices,” dagdag niya pa.

Nanguna si Inday Sara sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong Nobyembre 23 mula Disyembre 2, 2020 kung saan ay nakakuha siya ng 26% rating habang ang pambato ng oposisyon na si Vice President Leni Robredo ay pang anim lamang.

Ilang beses ng itinanggi ni Inday Sara na tatakbo siya bilang Pangulo sa 2022 kahit na maraming Pilipino ang itinutulak siya para sumunod sa yapak ng kanyang ama na naging alkalde rin ng Davao.

Kahit mismo ang kanyang ama na si Pangulong Duterte ay ayaw tumakbo ang kanyang anak bilang susunod na lider ng bansa lalo na ng malaman niya kung gaano kahirap ang maging punong ehekutibo.

“Sabi ko sa anak ko, kay Inday, ano — sabi ko, ‘Day, p***** i** ‘wag mong pasukin ‘yang trabaho na ‘yan’. Wala ka talagang makuha diyan, pagod lang,” ani Duterte.

Ayon sa Pangulo ay dapat may mabigat na dahilan talaga si Inday Sara para tumakbo bilang susunod na lider ng bansa.

“Suweldo mo PHP194,000. Ang ibang generals dito mas malaki pa sa suweldo ko, totoo lang. Sinabi ko kay Inday ‘wag kang mag-presidente unless you see something na kaya mo para gawain mo sa bayan,” saad ng Pangulo.

“Unless you are driven by patriotism. O ‘yan, kung gusto mo talaga mag-service sa bayan mo, ah sabi ko — kaya sabi ko sa kanya,” dagdag niya pa.

 

 

 

Facebook Comments