Home Celebrities Alfred Vargas, sinisi ang kalaban sa pulitika kaya’t napasama siya sa listahan ng kurakot na mambabatas

Alfred Vargas, sinisi ang kalaban sa pulitika kaya’t napasama siya sa listahan ng kurakot na mambabatas

0

Kumpiyansa ang dating aktor at ngayon ay representative ng Quezon City 5th district na si Alfred Vargas na malilinis ang kanyang pangalan kapag nag umpisa na ang imbestigasyon tungkol sa mga mambabatas na diumano’y nangungurakot ng pondo sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa isang pahayag ay iginiit ni Alfred na siya ay inosente at sinabi na maaring napulitika lamang siya kaya’t nailagay ang kanyang pangalan sa listahan na ginawa ng Presidential Anti Corruption Commission.

“Mukha pong napadalhan ang PACC ng maling impormasyon ng mga nakakalaban natin sa Pulitika,” ani Alfred.

Sinabi pa nga niya na kahit mismong si Pangulong Duterte ay sinabi na kung mabangit man ang pangalan nila ay hindi ibig sabihin nito ay “guilty” na sila sa mga akusasyon laban sa kanila.

“The President himself stated ‘there is no solid evidence’ and “mentioning of names is not an indictment,” saad ng mambabatas.

“I am certain that I will be cleared,” dagdag niya pa.

Matatandaan na sinabi na ni Pangulong Duterte na wala pang mabigat na ebidensiya na magpapatunay laban sa mga nasabing mambabatas.

“The public should be aware that there is no hard evidence, that’s one; that it cannot be translated by just reading the names that they are already guilty because presumption of innocence would lie all throughout until conviction or acquittal.” ani Duterte.

Maliban kay Alfred ay binanggit din ni Pangulong Duterte si Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez Sato, Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal, Isabela 4th District Rep. Alyssa Sheena Tan, Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza, Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan, ACT-CIS Rep. Eric Yap at dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Facebook Comments