Teddy Baguilat, itinanggi na nangurakot siya sa mga proyekto sa Ifugao: “They want to divert people’s attention”

0

Itinanggi ni dating Ifugao Governor at Representative Teddy Baguilat ang mga akusasyon laban sa kanya matapos siyang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa sa mga mambabatas na nangurakot diumano ng pondo sa mga proyekto ng gobyerno.

Sa kanyang Twitter page ay sinabi ni Teddy Baguilat na ang tanging “kickback” na kanyang natanggap ay mula sa kanyang aso na si Vader.

Ibinida pa nito na wala naman siyang kinakaharap na kaso ng korapsyon ngayon.

“Kickback? Sipa lang ni Vader ang tinaggap ko since he was born. Sino ba naman makakatanggi ng sipa nya? Cute kasi. Seriously, wala akong kaso at wala naman investigation na hinaharap,” ani Baguilat.

Matatandaan na noong 2003 ay naging kwestiyonable ang pagbili niya ng isang second-hand na kotse na overprice diumano ng P900,000 at hindi diumaan sa isang bidding.

Ngunit noong 2018 ay naipanalo ni Baguilat ang kaso laban sa kanya dahil bigo ang mga prosecutors na patunayan ang akusasyon laban sa dating mambabatas.

Tinawag pa ngang panlilito ni Baguilat ang ginawang pagpapangalan ng Pangulo sa ilang mambabatas upang takpan ang isyu tungkol sa ilang miyembro ng gobyerno na nabakunahan na pala.

“Ito o. Ito yung high-level corruption that needs to be investigated. Pero as usual, they want to divert people’s attention with their latest dud. #LumangTacticNaIyan,” saad ng dating mambabatas.

Maliban kay Baguilat ay binanggit din ni Pangulong Duterte sina Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez Sato, Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas, Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal, Isabela 4th District Rep. Alyssa Sheena Tan, Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza, Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan, ACT-CIS Rep. Eric Yap at Bataan Rep. 1st District Geraldine Roman.

Ini-relieve naman sa pwesto ni Pangulong Duterte ang mga district engineer kung saan namumuno ang mga nasabing kongresista.

 

Facebook Comments
Previous articlePangulong Duterte, pinangalanan ang mga kongresista na nangungupit diumano ng pera ng bayan
Next articleBataan Rep. Geraldine Roman, nagulat matapos pangalanan ni Pangulong Duterte sa listahan ng mga diumano’y kurakot na mambabatas
Rodrigo Extramadura is a Computer Engineering graduate who found his real passion in writing and following the daily happenings in the country.