Home Politics Pangulong Duterte, nakiusap sa publiko na h’wag na munang mamasko sa mga ninong at ninang

Pangulong Duterte, nakiusap sa publiko na h’wag na munang mamasko sa mga ninong at ninang

0

Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan ay nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga planong bisitahin ang kanilang mga ninong at ninang para mamasko na wag na lamang ituloy ang kanilang binabalak.

Ayon sa Pangulo ay kahit na medyo maluwag na ang ipinapatupad na quarantine ng gobyerno ay dapat paring alalahanin ng publiko na mayroon paring kumakalat na sakit hanggang ngayon at hindi ito namimili ng panahon kahit pasko pa ito.

“Christmas time is about a few days from now. Sundin lang natin ’yung culture, but remember the word but. But there are rules to be followed at this time of our national life, kayong mga kababayan ko, sumunod ho kayo sa mga patakaran ng gobyerno. Para sa inyong lahat ito. Kaunting tiis na lang. Nandiyan na ang bakuna,” ani Duterte.

Ayon sa kanya ay dapat mas maging maingat ang publiko ngayong pasko at iwasan muna ang dumalaw dalaw sa iba’t ibang tahanan upang hindi mahawa ng sakit.

“Kalma muna, tutal marami pa namang Pasko. Kayo, huwag muna maghingi sa mga ninong, ninang kasi kaawa, kasi tapos maglabas ang mga ninang mo, ninong, mamili diyan sa kung saan saan, idamay mo lang. maghingi ka hopefully in God’s own time, maybe next December.” saad ng Pangulo.

Ayon sa mga eksperto ay maaring dumami ang magkakasakit pagkatapos ng pasko dahil mas madaming tao ang piniling lumabas ng kanilang tahanan upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus.

Kahit ang mga “torotot” na pangkaraniwang ginagamit kapag bagong taon ay hindi muna inirerekomendang ipagamit sa publiko.

“Iwasan ang mga gawain at lugar kung saan karaniwan ang pagtalsik ng laway. Tulad ng mga kantahan pagsasalo-salo, pagkain nang magkakaharap o ‘yung buffet at hindi paggamit ng face mask, face shield at protective barriers, ano po,” saad ni Department of Health Secretary Francisco Duque III.

 

Facebook Comments