Home Social Media Anak ni Jonel Nuezca na si “Eli” sumasailalim ngayon sa “counseling” ng DSWD

Anak ni Jonel Nuezca na si “Eli” sumasailalim ngayon sa “counseling” ng DSWD

0

Sinigurado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na inaasikaso nila ang anak na babae ni Police Senior Master Sergeant (PSMS) Jonel Nuezca na si
“Eli” na naging saksi mismo sa ginawa ng kanyang ama sa isang mag ina sa Paniqui, Tarlac.

Normal na dumaan sa counseling ang mga bata na katulad ni “Eli” matapos itong makasaksi ng isang di kanais nais na bagay.

Mismong ang Paniqui Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa ang nagkumpirma ng balita sa media.

“Mayroon na po kaming koordinasyon sa DSWD for counseling kasi kailangan po nating i-counsel ‘yung bata,” ani Rombaoa.

“Automatic naman po sa DSWD na they will conduct counseling doon sa bata,” dagdag niya.

Maliban kay Eli ay pati ang mga kamag anak ng biktima ni Nuezca ay sasailalim din sa psych support.

“The local government unit of Gerona in Tarlac and the DSWD in Central Luzon have arranged a psychosocial intervention yesterday (Dec. 22) for the minors,” saad ni DSWD spokesperson Irene Dumlao.

Ipinagtanggol din ng Council for the Welfare of Children (CWC) sa pambabatikos ng publiko si Eli at ipinaliwanag na hindi niya pa alam ng bata ang kanyang ginagawa.

“The child’s behavior may have infuriated people, having spewed unintended words during the incident’s filming. However, the child’s cognitive ability to control emotional impulse and regulate emotions are still under development at the early stage of her childhood,” pahayag ng CWC.

Kahit mismong ang kamag anak ng mga biktima ang nakiusap narin noon sa mga netizen na tigilan na ang pambabatikos kay Eli.

Samantala, kahapon naman ay nagmakaawa si Nuezca sa kanyang superior sa PNP na tulungan ang kanyang naiwang pamilya.

Nakatanggap naman ng proteksyon ang mga kamag anak ni Nuezca dahil sa dami ng natatanggap nitong banta.

 

 

Facebook Comments