Home Social Media Paano na ang pamilya ko? PSMS Jonel Nuezca, humihingi ng tulong para sa kanyang naiwang pamilya

Paano na ang pamilya ko? PSMS Jonel Nuezca, humihingi ng tulong para sa kanyang naiwang pamilya

0

Dahil sa kanyang ginawa sa kanyang mag inang kapitbahay ay tila malabo na ang tsansa na makakalaya pa muli si Police Senior Master Sergeant (PSMS) Jonel Nuezca at maaring hindi rin ito makakuha ng benepisyo mula sa PNP.

Kaya’t may isang hiling si Nuezca sa mga dumalaw na matataas na opisyal ng PNP na si PRO3 Regional Director Director P/BGen. Val de Leon sa sana’y matulungan ang kanyang pamilya dahil sa posibleng hindi niya na masuportahan muli ang mga ito.

Naiiyak iyak pa si Nuezca habang kaharap ang kanyang superior.

“Sana matulungan niyo po ako,” ani ng naluluha luhang pulis. “Para sa pamilya ko nalang po”

Pumayag naman si De Leon na tutulungan nila ang pamilya ni Nuezca.

Inihayag din ng pulis ang kanyang pagsisisi sa kanyang ginawa.

“Sir inaamin ko po ‘yung pagkakamali ko. Sobrang emosyon… Nagsisisi po ako sa ginawa ko, laking pagsisisi sir. Unang-una para sa pamilya ko sir,” saad ni Nuezca.

Sinabihan naman si Nuezca ni De Leon na gigil na gigil ang publiko sa kanyang ginawa at wala siyang kakampi sa kanyang kinakaharap na kaso.

“Galit na galit lahat ng tao sa’yo. ‘Yan ang pagsisihan mo, wala ka nang kakampi sa ginawa mong ‘yan.” ani De Leon.

“Matatanggal ka sa serbisyo, you dragged the entire organization,” dagdag niya pa.

Ang maipapangako lang ni De Leon kay Nuezca ay pinoproteksyonan ng PNP ang kanyang anak na babae na sa ngayon ay sumasailalim sa counseling ng DSWD.

 

Facebook Comments