Home Celebrities Mystica, kumampi kay PSMS Jonel Nuezca: “Talagang mga pasaway nga naman kasi ‘yung mag ina”

Mystica, kumampi kay PSMS Jonel Nuezca: “Talagang mga pasaway nga naman kasi ‘yung mag ina”

0

Nagbigay ng hindi popular na opinyon ang dating aktres na si Ruby Rose Villanueva sa kaso ni Police Senior Master Sergeant (PSMS) Jonel Nuezca.

Matatandaan na inulan ng batikos si Nuezca dahil sa kanyang ginawang pagtodas sa isang mag iina sa Paniqui, Tarlac at kahit ang mismong President ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ay napanganga sa ginawa ng pulis.

Tila sinisi pa ni Mystica ang mga biktima na sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio na siya ngayong pinaglalamayan sa kanilang tahanan.

“Tinatanong ano daw ang pakiramdam ko, ano daw ang masasabi ko. Well based on kung ano ang nakita ko na diyan, puro sila against doon sa ginawa ng pulis,” ani Mystica.

“Well noong tiningnan ko naman saan nag-ugat, well, at talagang tiningnan ko talaga kung ano ang pangyayari, mga ganun, ay talagang mga pasaway nga naman kasi ‘yung mag ina,” dagdag niya pa.

Ipinagtanggol rin niya ang anak na babae ni Nuezca.

Ayon kay Mystica ay naiintindan niya kung bakit pinili ni Nuezca na tapusin nalang ang buhay ng kanyang mga kaalitan.

“Well if I would be that policeman as well, hindi na baleng ako ay makulong. Ayaw ko lang na mapahiya at mawalan ng dignidad ‘yung trabaho ko bilang pulis na nagme-maintain ng peace and order,” saad niya.

“Sa pamamagitan ng ginawa niya, kung iyon na lang ang way para mapatahimik itong maglola, then he did his thing. That’s what I think, diba? Ano ang dapat niyang gawin?” dagdag niya pa.

Matatandaan na ilang beses narin inulan ng batikos si Mystica dahil sa kanyang mga kakaibang komento.

Kahit mismo ang Malacanang ay napansin na si Mystica matapos niyang batikusin si Pangulong Duterte at ipakita ang suporta kay Bise Presidente Leni Robredo.

 

 

Facebook Comments