Home Social Media Anak ni Jonel Nuezca, nagpakita ng senyales ng “trauma” sa nangyari ayon sa isang eksperto

Anak ni Jonel Nuezca, nagpakita ng senyales ng “trauma” sa nangyari ayon sa isang eksperto

0

Hindi lamang ang pulis na si Police Senior Master Sergeant (PSMS) Jonel Nuezca ang nakakaranas ngayon ng matinding pambabatikos mula sa mga netizen kundi ang kanyang anak.

Matatandaan na nakita rin sa viral video ang anak ni Nuezca na tatawagin na lamang natin sa pangalang “Eli”, 13 anyos, na nakikisali sa alitan sa pagitan ng pulis at ng mga biktima na sina Sonya at Anthony Gregorio.

Marami ang sinisisi si “Eli” sa nangyari at marami ang ipinakalat pa nga ang kanyang litrato sa social media.

Inakusahan pa nila ang bata na diumano’y walang pagsisisi sa ginawa ng kanyang ama dahil hindi man lang daw ito nagpakita ng emosyon ang bata ng makita niyang humandusay ang mga biktima sa kanyang harapan.

Pero babala ng ilang eksperto ay mali ang ginagawa ng mga netizen kay Eli dahil ito ay bata pa lamang at protektado ito ng batas ng bansa.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagpapakita ng “senyales ng trauma” si Eli ayon sa assessment na kanilang ginawa.

Nakiusap din ang isang psychologist sa publiko na wag ng paulanan ng batikos ang anak ni Nuezca.

Ipinaliwanag ni Dr. Lourdes Carandang na ang pulis ang may kasalanan sa lahat ng nangyari habang ang kanyang anak ay wala pang sariling pag iisip.

“Wala siyang kinalaman sa pag-pull ng trigger. Wala siyang kasalanan doon. Bata siya,” ani ng eksperto.

Eto rin ang paniniwala ng Commission on Human Rights (CHR).

“Alam po natin syempre meron din pong pagkakamali yung bata sa nangyaring insidente, kaya lang rin kailangan isaalang-alang na bata pa rin po, kailangan ng protektsyon,” ani CHR Spokesperson Atty. Jaqueline Ann de Guia.

“We are urging the netizens and public to stop condemning because she also needs support, eventually intervention and guidance rin po. Yung bata naman pino-protektahan natin kasi parte ng vulnerable sector,” dagdag niya pa.

Ayon sa kanila ay mali ang ipakalat pa nila ang mukha ng bata sa social media.

“Yung pagkalat ng mukha niya sa social media hindi tama yun. Let’s remember she’s a minor,” sabi niya.

Facebook Comments