Home Politics Pangulong Duterte nagsalita na tungkol sa pulis na tumodas sa dalawang kapitbahay niya: “Pati ako napanganga”

Pangulong Duterte nagsalita na tungkol sa pulis na tumodas sa dalawang kapitbahay niya: “Pati ako napanganga”

0

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa ginawang pagtodas ng isang pulis Paranaque sa kanilang kapitbahay sa Paniqui, Tarlac noong Linggo.

Matatandaan na ginimbal ang taumbayan sa ginawa ni Police Senior Master Sergeant (PSMS) Joel Nuezca sa mag inang si Sonya Gregorio at Anthony Gregorio.

Kahit na si Pangulong Duterte ay tinawag na “brutal” ang ginawa ni Nuezca.

Nagtataka ang Pangulo kung bakit nasa kapulisan parin si Nuezca kahit na tila nagpakita na ito ng problema sa pag iisip dahil narin sa biglaang desisyon nito na tapusin ang buhay ng kanyang kaalitan sa harapan pa mismo ng kanyang anak na babae.

“Topak… Ewan ko ba’t nakalusot,” Duterte said of the policeman. Pakainin n’yo ng C0VID,” ani Duterte.

Ayon sa kanya ay hindi na makakatakas sa pangil ng batas ang nasabing pulis.

“From the time you are arrested up to the time that you are haled to court… walang bail ka. Pag nahuli, diretso diresto na yan and I dont think that you can escape the rigors of justice because nakuha sa TV pati ako napanganga,” sabi ng Pangulo.

“Walang kwenta. That’s unfair and brutal masyado. Kung ako ang nandyan ewan ko lang,” dagdag niya pa.

Naipasa na sa korte ng Tarlac ang mga kaso laban kay Nuezca.

Hindi naman malaman kung ano na ang mangyayari sa anak na babae ng pulis dahil sa nakita rin sa video na nakikisali sa gulo sa pagitan ng suspek at mga biktima.

Samantala ay pinuna rin ni Senador Ping Lacson kung bakit nanatili parin sa organisasyon si Nuezca kahit ilang beses na itong nagkaroon ng bad record.

Naharap na kasi noon sa kasong administratibo at serious neglect of duty ang nasabing pulis.

Tumakas din ito noon sa test para malaman kung gumagamit nga ba siya ng pinagbabawal na gamot.

 

Facebook Comments