Home Celebrities Khalil Ramos, Agot Isidro, at iba pang artista, binanatan ang ginawa ng off-duty na pulis sa mag ina

Khalil Ramos, Agot Isidro, at iba pang artista, binanatan ang ginawa ng off-duty na pulis sa mag ina

0

Nagsanib pwersa ang ilang artista upang kondenahin ang nangyaring pamamaril ng isang pulis sa isang mag ina sa Paniqui, Tarlac noong Linggo.

Huling huli sa video ang ginawa ng pulis na si Joel Nuezca sa mag ina na sina Sonya Gregorio at Anthony Gregorio.

Makikita rin sa video na nakisali pa sa gulo at nakisabunot pa ang anak na babae ng pulis na hindi man lang nagpakita ng emosyon ng gamitin na ng kanyang ama ang baril sa mga biktima.

Dahil sa patuloy na pagkalat ng nasabing video ay nakaabot narin ito sa mga artista katulad nila Agot Isidro, Maine Mendoza, Maris Racal, Khalil Ramos at Bela Padilla.

Ilan sa mga

Eto ang kanilang mga opinyon tungkol sa isyu:

“Instead of the dolomite that didn’t serve anyone and is just meant to improve our aesthetic, police bodycams instead, maybe?” sabi ni Bella Padilla.

Maine Mendoza: “BAKIT KAILANGANG UMABOT DOON? Hindi ko kaya, grabe, Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang b*r*lin ka nalang din sa harap ng anak mo? Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio.”

Agot Isidro: “PNP = P*tay Nang P*tay.

“I know that there are good cops around. Some are not even happy how things are run. But they choose to bow their heads and look away.

“The way the agency is set up, Leadership is everything. The culture of impunity trickles from top all the way down.

Maris Racal: “Hindi ko ma-explain ang galit at awa na nararamdaman ko. Sana mabigyan sila ng hustisya.

“PAANO NA LANG KUNG WALANG VIDEO YUN? woke up to that video. Grabe ganun na lang kabilis talaga pumat*y no?????

May ilan din na katulad ni Khalil Ramos ang ginamit ang nangyari para kumbinsihin ang mga netizen na magparehistro at bumoto sa susunod na eleksyon.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa nangyaring insidente.

 

Facebook Comments