Home Celebrities Super Tekla masayang ipinakilala ang unang asawa at unica ija sa kanyang mga taga subaybay

Super Tekla masayang ipinakilala ang unang asawa at unica ija sa kanyang mga taga subaybay

0

Halos dalawang buwan matapos niyang kaharapin ang mga akusasyon sa kanya ng dating kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag ay tila naka-recover na ang komedyante na si Super Tekla dahil narin sa suporta ng kanyang pamilya.

Sa kanyang post sa social media ay ibinunyag ni Tekla na nagkikita na sila muli ng kanyang unang asawa na si Airyn Gonzales at ng kanilang anak na si Aira.

Makikita sa isang video na kumakain sa isang restaurant si Tekla, Airyn at Aira.

Maraming netizen tuloy ang napatanong kung binabalak bang magkabalikan ni Tekla at Airyn dahil ayon sa mga kwento ay nagkahiwalay naman sila ng maayos noon na walang sama ng loob sa isa’t isa.

Ipinagtanggol pa nga noon ni Airyn si Tekla sa kalagitnaan ng mga akusasyon laban sa kanila.

Suportado ng mga netizen ang mga nagiging desisyon ngayon ni Tekla at tingin nila ay mas mabuti na ang buhay nito simula ng maghiwalay sila ni Michelle.

“Hi tekla mas ok pa yan… ang pinapakain mo ay ang anak mo.. hindi ung mga p*t*y gutom na pamilya nang ibang tao,” ani na Phiatos Siete na tila parinig sa dating kinakasama ni Tekla.

“Merry Christmas sa inyo sana di na kau magkahiwalay ng mother ji aira para happy Family na talaga,” saad ng isa pang fan.

Mapapansin na kada post ni Tekla ay umaabot ngayon ng libo libong reaction dahil narin sa lumobo ang kanyang fans simula ng siya’y siraan ni Michelle.

May ilang netizen din ang nakapansin sa natural na ganda at talento ng anak ni Tekla at sinabing bagay ito na pumasok sa showbusiness.

“Maganda si Aira pwedeng artista… Pinay na Pinay ang beauty… bagay sa kanya iremake ang mga movies ni Julie Vega,”sabi ng komedyante na si Teri Onor.

“Tekla, please have her under a voice coach. Her voice is naturally inclined to singing and she has a good range. Once she learns these techniques, wow as in wow na lalo,” ani Guia Garcia Bohol.

Hindi pa naman nagsasalita si Tekla kung binabalak niya nga bang ipasok ang kanyang unica ija sa showbiz.

 

 

Facebook Comments