Home Social Media Nagpakilalang pulis, huli sa camera habang tinatapos ang buhay ng dalawang sibilyan sa harap ng kanyang sariling anak

Nagpakilalang pulis, huli sa camera habang tinatapos ang buhay ng dalawang sibilyan sa harap ng kanyang sariling anak

0
Nagpakilalang pulis, huli sa camera habang tinatapos ang buhay ng dalawang sibilyan sa harap ng kanyang sariling anak

Binulabog ang social media ng isang video na kuha lamang nitong araw na ito kung saan ay isang nagpakilalang pulis ang huling huli sa camera habang tinatapos ang buhay ng dalawang nakaalitang kapitbahay sa Paniqui, Tarlac.

Makikita sa nasabing video ang alitan sa pagitan ng suspek na si Joel Nuezca, 46 at mga biktima na si Sonya Gregorio , 52 at Anthony Gregorio, 25.

Nandoon din ang anak ni Nuezca kung saan mismong sa kanyang harapan nangyari ang insidente.

Ayon sa ilang kwento ay nag umpisa ang alitan dahil sa ginagamit na boga ng mga biktima.

Naingayan diumano ang anak ni Nuezca sa mga biktima kaya’t ipinatawag nito ang kanyang ama na pinagmalaki pa na pulis ito.

Tila hindi natakot ang mga biktima at sinabihan niya na lamang ang anak ni Nuezca ng “I don’t care”.

Dito na nag umpisang bantaan ng pulis ang dalawang biktima at saka kinalabit ang gatilyo.

Napansin pa ng mga netizens sa tila ay hindi man lang nagpakita ng kahit anong emosyon ang anak ni Nuezca.

Isang oras matapos ang insidente ay kusang sumuko si Nuezca sa Rosales police station sa Pangasinan.

Inulan ng batikos ang insidente na trending na ngayon sa social media.

Kahit ang anak ni Nuezca ay hindi nakaligtas sa mga pambabatikos ng mga netizen.

Patong patong na kaso ang kakaharapin ni Nuezca at inaasahang maaalis ito sa pagiging pulis dahil sa kanyang ginawa.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Philippine National Police (PNP) at Malacanang ukol sa nangyaring insidente.

 

 

Facebook Comments